10PM-5AM ILALAAN SA PAGBABAKUNA NG WORKERS SA MAYNILA

NAGTAKDA ang pamahalaan ng lungsod ng Maynila ng special vaccination sa gabi hanggang madaling araw para sa mga trabahador na hindi makapunta sa vaccination sites sa araw.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, walang tulugan ang pagbabakuna sa Claro M. Recto Avenue sa Sta. Cruz, Manila.

“Itong special vaccination na ito, ginawa po namin ito sa Recto para sa mga trabahador na hindi makapunta sa vaccination site tuwing araw dahil kailangang maghanapbuhay,” ayon sa alkalde.

Nasa 1,000 doses ng COVID-19 vaccines ang ilalaan simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga sa nasabing vaccination site.

Hindi lamang taga Metro Manila ang target nito kundi maging ang mga magmumula sa Northern, Central at Southern Luzon. (RENE CRISOSTOMO)

119

Related posts

Leave a Comment