11 bahay natupok LOLA, 3 APO SUGATAN SA LIGHTER

BULACAN – Isang 65-anyos na lola ang nasugatan habang ang kanyang tatlong apo ay pawang nasa kritikal na kondisyon nang maiwan sa loob ng kanilang nasusunog na bahay makaraang sumiklab ang sunog na nagmula sa pinaglaruang lighter at tumupok sa 11 kabahayan sa Barangay Biniang 1st, sa bayan ng Bocaue sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon.

Base sa inisyal na report ng Bocaue Fire Station, bahagyang nasugatan at dumanas lamang ng first degree burns ang 65-anyos na lola habang ang tatlo nitong apo, dalawang 2-anyos at ang isa naman ay isang taong gulang, ay dumanas ng 2nd degree burns habang 70 porsiyento ng katawan ng mga ito ay nalapnos kaya isinugod sa Bulacan Medical Center-Malolos City.

Nabatid na pasado alas-4:00 ng ng hapon noong Miyerkoles nang sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Barangay Biniang 1st, Bocaue at mabilis na kumalat ang apoy sa 10 pang kabahayan kabilang ang tirahan ng mga biktima.

Bago tuluyang nilamon ng apoy ang bahay ng dalawang paslit ay naisalba ang mga ito ng kanilang lola at ng mga residente sa lugar.

Tumagal ang sunog ng isang oras at kalahati bago tuluyang naapula ang apoy na tumupok sa 11 kabahayan

Hinihinala ng fire probers na nagmula ang apoy sa pinaglaruang lighter at mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang yari sa light materials ang mga kabahayan sa lugar. (GINA BORLONGAN)

255

Related posts

Leave a Comment