11 DAGDAG SA CALOOCAN COVID DEATHS

UMABOT sa 11 ang namatay sa COVID-19 sa Caloocan City habang isa ang binawian ng buhay sa Malabon City noong Hulyo 2, ayon sa ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod.

Mula 1,082 ay umakyat sa 1,093 ang total COVID deaths sa Caloocan, habang 510 naman ang active cases matapos na 32 ang nagpositibo sa virus.

Pumalo na sa 38,453 ang tinamaan ng COVID sa Caloocan at sa nasabing bilang ay 36,850 na ang gumaling.

Pumanhik naman sa 448 ang COVID death toll sa Malabon matapos na isang pasyente ang binawian ng buhay, habang 16 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 13,486 ang positive cases sa lungsod, 68 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Baritan (1), Concepcion (1), Longos (3), Potrero (3), Tañong (1), at Tinajeros (7).

Habang walong pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Ibaba (2), Longos (2), Potrero (3), at Tinajeros (1). Sa kabuuan ay 12,970 ang recovered patients ng Malabon.

Samantala, dumoble ang active cases sa Navotas at umalagwa sa 85 ang dati ay 40 lamang na aktibong kaso sa lungsod makaraang 26 ang nagpositibo at dalawa lamang ang gumaling.

Sumampa na sa 11,064 ang total COVID cases sa Navotas, kung saan 10,068 na ang gumaling at 371 na ang namatay. (ALAIN AJERO)

142

Related posts

Leave a Comment