UMABOT sa isang dosena ang namatay dahil sa COVID-19 sa mga lungsod ng Navotas at Caloocan noong Abril 18.
Napag-alaman, walo ang namatay sa Navotas at 1,109 ang active cases matapos na 35 ang nagpositibo at 30 lamang ang gumaling.
Umabot na sa 9,910 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, kung saan 8,501 na ang gumaling at 300 na ang namatay.
Apat naman ang namatay sa Caloocan at 1,768 ang active cases. Sumampa na sa 23,120 ang total confirmed cases sa lungsod at sa bilang na ito ay 20,684 na ang gumaling at 668 na ang namatay.
Walang naiulat na namatay sa Malabon at nananatili sa bilang na 373 ang COVID death toll sa siyudad.
Habang 71 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 11,335 na ang positive cases sa lungsod, 789 dito ang active cases.
Sa kabilang banda, 125 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 10,173 na ang recovered patients sa Malabon.
Samantala, habang isinusulat ito ay wala pang inilalabas na update ang Valenzuela City ukol sa COVID cases sa kanilang lungsod. (ALAIN AJERO)
294
