120 OCD staff, naka-quarantine USEC JALAD SAPUL SA COVID-19

HINDI pinalampas ng nakamamatay ng coronavirus disease maging ang opisyal at mga kawaning bahagi ng ahensiyang may mandatong tumugon sa oras ng kagipitan.

Bukod kay National Disaster Risk Reduction Management Council executive director Undersecretary Ricardo Jalad, isinailalim na din sa mahigpit na quarantine ang 120 kawani ng Office of Civil Defense na pinangangasiwaan din ni Jalad.

Sa isang pahayag, inamin ng Jalad na siya ding OCD administrator na siya’y nagpositibo, bagamat tiniyak ng opisyal na hindi maaapektuhan ang operasyon ng dalawang tanggapang kanyang pinamumunuan sa kabila pa ng pagliban ng iba pang tulad niya’y nahawa sa nakamamatay na karamdaman.

Ani Jalad, kahit na naka-quarantine ngayon ang mahigit sa kalahati ng 380 OCD staff, hindi mapipilay ang operation ng kanilang ahensya kasabay ng pagtitiyak na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang serbisyo sa bayan.

“Despite this circumstance, Team OCD remains strong and fully committed to our responsibilities to our people… We assure our people that we are not hindered in any way to serve. We will overcome COVID-19,” aniya.

Paliwanag ni Jalad, gagampanan pa din ng kanilang mga kawani ang trabaho via online.

Pansamantala rin isinara kahapon OCD Central Office sa Camp Aguinaldo, Quezon City hanggang August 30 para isailalim sa disinfection.
Kaugnay nito, napag-alaman ding pawang fully-vaccinated ang lahat ng kawani ng dalawang tanggapan. (JESSE KABEL)

111

Related posts

Leave a Comment