INIREKLAMO ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang 13 opisyal mula sa kompanya ng prominenteng pamilyang Gothong sa Cebu, hinggil sa malawakang pagpupuslit ng mga sigarilyong nagkakahalaga ng P13 billion.
Kabilang sa mga inirekomendang kaso ang paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act at Economic Sabotage Act.
May kaugnayan ito sa pagkakasabat ng 59 container ng smuggled cigarettes sa isang pribadong pantalan sa Cebu, dalawang buwan na ang nakalilipas.
Batay sa imbestigasyon, nagmula sa China ang mga pekeng sigarilyo na gumamit umano ng mga tatak ng kilalang European brands upang linlangin ang mga mamimili.
(JULIET PACOT)
17 