13 pang public schools nakiisa F2F CLASSES BALIK NA SA LUCENA

UMABOT sa 13 pang mga pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya sa Lucena City ang nagsimula na sa pagsasagawa ng face to face classes nitong Lunes, Marso 21.

Ito ay ayon sa inilabas na direktiba ni Lucena Division of City School Superintendent, Dr. Hermogenes M. Panganiban.

Kabilang sa mga public school na sasabak sa face to face ay ang Dalahican Elementary School, Gulang Gulang National High School -Domoit extension, Lucena East 9 ES, Mayao Parada ES, Lucena North 2 ES, Mayao Crossing ES, Isabang ES, Isabang ES Bocohan Annex, Lucena East 1 ES, Bliss ES, Lucena South 2 ES, at ang pinakamalaking public school na Lucena West 1 ES.

Ngunit tanging mga pili o pinayagan ng kanilang mga magulang na mga estudyante ng Grade 1 hanggang Grade 3 ang makapapasok.

Ito na ang ikalawang batch ng mga eskwelahan sa Lucena na nagsagawa ng face to face.

Noong Pebrero 28, apat na mga paaralan ang naunang nagklase ng face to face. Binabalak din ng Lucena DepEd na sa Marso 30 ay maging 100% face to face classes na ang lahat ng mahigit na 50 eskwelahan sa lungsod. (NILOU DEL CARMEN)

236

Related posts

Leave a Comment