14 EMPLEYADO NG SENADO, NAGPOSITIBO SA COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID 19 Rapid Test ang 14 empleyado ng Senado na sumalang sa pagsusuri sa unang araw ng pagbabalik sesyon ng Kongreso.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, kabilang sa mga nagpositibo sa pagsusuri ang staff members ng ilang senador, waiter at ang iba ay mula sa Office of the Sergeant-at-Arms.

“Sent them already to hospitals with swab tests then quarantine,” saad ni Sotto.

Kinumpirma naman ni Senador Win Gatchalian na isa sa kanyang staff ang kabilang sa mga nagpositibo sa rapid test na ang nade-detect ay ang antibodies laban sa COVID 19.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na isasailalim din sa swab testing ang mga nagpositibo sa rapid test bilang confirmatory test.

Nasa 15 senador ang personal na dumalo sa pagbubukas ng sesyon kahapon habang pito ang nakiisa sa pamamagitan ng video conferencing. DANG SAMSON-GARCIA

161

Related posts

Leave a Comment