NASAGIP ng Maritime Police ang isang 15-anyos na dalagita na sinasabing nawalan ng gana sa blended learning, habang bumabatak ng ilegal na droga kasama ang isang kasambahay at mangingisda sa Navotas City.
Inilipat na sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development ang Grade 6 student na itinago sa pangalang “Lebrona” habang inaresto sina Jocelyn Labuga, 52, kasambahay, ng Kadamay St., Market 3, Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN), at Ariel Barcelona, 49, mangingisda, ng Blk. 3, Market 3.
Ayon sa ulat, alas-11:00 ng gabi nang magresponde ang Maritime Police dahil sa tawag ng isang concerned citizen hinggil sa umano’y mga bumabatak sa Kadamay St., Brgy. NBNN, na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlo.
Nasamsam sa mga suspek ang isang sachet ng umano’y shabu, at drug paraphernalia. (ALAIN AJERO/FRANCIS SORIANO)
