MAG-ASAWA SA BUMAGSAK NA CESSNA, NATAGPUAN NA

NATAGPUAN na ang mga labi ng pilot na si Jose Ortoll at kanyang asawa, dalawang araw matapos bumagsak ang kanilang Cessna 172 sa Dinagat Islands. Ayon sa mga awtoridad, nawalan ng komunikasyon ang eroplano habang patungo sa Siargao at hinihinalang bumagsak sa kabundukan ng Barangay Navarro, Tubajon. Wala umanong naitalang distress call bago ang insidente, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Iniulat na maayos ang lagay ng panahon nang mangyari ang pagbagsak ng eroplano. Pinaniniwalaang nagmula sa Subic ang flight at papunta sa isang pribadong resort sa…

Read More

2 CTG MEMBERS PATAY SA ENGKWENTRO SA SOUTH COTABATO

PATAY ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG), kabilang ang isang regional leader, sa engkwentro laban sa tropa ng pamahalaan sa T’boli, South Cotabato noong Abril 9. Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Anthony Narvasa, alyas “Magaw,” secretary ng Far South Mindanao Region, at si Rosa Kian, alyas “Mutya” o “Roxanne.” Ayon kay Brig. Gen. Michael Santos, Commander ng 603rd Infantry Brigade, nahaharap si Narvasa sa iba’t ibang kasong kriminal kabilang ang murder at attempted homicide. Sa clearing operations, nakarekober ang militar ng apat na M16 rifles…

Read More

9 HULI SA JUETENG SA ANTIPOLO

ARESTADO ang siyam na katao sa pinaigting na operasyon laban sa ilegal na sugal sa Barangay Bagong Nayon, Antipolo City noong Abril 9. Pinangunahan ni Rizal Police Provincial Office Director PCol. Eleazar Barber ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng mga rebisador, kabo at kolektor ng jueteng. Kabilang sa mga naaresto ang tatlong rebisador, dalawang kabo, at iba pang kasabwat na pawang residente ng Rizal. Nasamsam sa mga suspek ang mga gamit sa sugal tulad ng cellphone, calculator, notebook, lastillas at iba pang betting paraphernalia, pati ₱5,315 na taya. Nahaharap…

Read More

PULIS PATAY SA BUY-BUST SA BACOLOD

PATAY ang isang pulis matapos mabaril sa isinagawang buy-bust operation sa Bacolod City nitong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktima na si Police Master Sergeant Romulo Galvez, miyembro ng Station Drug Enforcement Team ng Bacolod City Police Office. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Police Station 9 sa Barangay Sincang laban sa isang 32-anyos na suspek nang bigla itong bumunot ng kalibre .45 at pinaputukan si Galvez, na tinamaan sa kanang hita. Isinugod sa ospital ang biktima ngunit binawian ng buhay madaling araw ng Biyernes dahil…

Read More

LIBRENG SAKAY SA E-JEEP SA 17 RUTA, ILULUNSAD

ILULUNSAD sa darating na Lunes ang limang araw na libreng sakay gamit ang electronic jeep o e-jeep sa 17 ruta sa Metro Manila at karatig lugar. Inanunsiyo ito nina Orlando Marquez at Luis “Chavit” Singson sa Meet the Press Weekly Forum sa National Press Club sa Intramuros, Maynila. Ayon sa kanila, 42 jumbo fully electric, air-conditioned e-jeep na may CCTV ang ilalabas, na kayang magsakay ng hanggang 28 pasahero bawat biyahe. Saklaw ng operasyon ang Quezon City, Maynila, Makati, Pasay, Taguig, Cavite at Muntinlupa. Batay sa dokumentong inihain sa Land…

Read More

3 KADETE NA SANGKOT SA HAZING, NASA KUSTODIYA NA NG CIDG

HAWAK na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong kadete na sangkot sa insidente ng hazing sa Philippine National Police Academy (PNPA) noong Abril 3, 2026. Ayon kay PNPA Director PMGen. Andre Dizon, inilipat sa kustodiya ng CIDG ang mga suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Sinasabing sangkot ang mga ito sa hazing ng 22 fourth class cadets sa loob ng PNPA Academy sa Camp Castañeda, Silang, Cavite noong Byernes Santo. Batay sa ulat, nagtamo ng mga paso at lapnos sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima—kabilang…

Read More

KONGRESISTA BINATIKOS ANG ASIA BREWERY SA PAMBOBOMBA SA RALIYISTA

KINONDENA ni Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando ang pamunuan ng Asia Brewery Inc., na pagmamay-ari ng mag-amang Lucio at Michael Tan, sa ginawang pagbomba ng tubig sa mga manggagawang nagra-rally sa labas ng planta ng kumpanya sa Cabuyao, Laguna. Ayon kay San Fernando, binomba ng tubig at nagsagawa ng marahas na pagbuwag ang mga security ng Asia Brewery kahit legal at may permit ang ginawang rally ng mga manggagawa ng Package World Incorporated. “Ayan, kay Lucio Tan at Michael Tan, biruin mo bilyong-bilyon na iyong pera mo, humhingi lang…

Read More

ARMSCOR partners with PNP-FEO for ‘Xpress Release’ of firearms during April mega sale

Armscor Shooting Center, Inc. (ASCI), a wholly owned subsidiary of the country’s largest firearms and ammunition manufacturer, Armscor Global Defense Inc. (AGDI), is set to make firearms ownership become more efficient and accessible in the Philippines via its much-anticipated mega sale from April 15 to 18, 2026 at the Armscor Shooting Ranges, Inc. located at Armscor Ave. in Brgy. Fortune, Marikina City. Held in partnership with the Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosives Office (FEO), the four-day event will provide qualified buyers with the “Xpress Release” service that will…

Read More

FA-50PH, SUMABAY SA F-22 NG US SA JOINT AIR DRILL

NAKIPAGSABAYAN ang mga piloto ng Philippine Air Force (PAF) gamit ang FA-50PH fighter jets sa F-22 Raptors ng Estados Unidos sa isinagawang joint flight operation sa Pampanga. Isinagawa ang aktibidad kasama ang United States Pacific Air Forces (PACAF) bilang bahagi ng Cope Thunder Philippines 26-1 sa Basa Air Base. Layunin ng joint exercise na palakasin ang koordinasyon at interoperability ng dalawang magkaalyadong puwersa sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon. Ayon sa PAF, mahalaga ang ganitong pagsasanay upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa Indo-Pacific. Pinaalalahanan din ang publiko sa…

Read More