ATANGAS – Arestado ang 165 katao na may iba’t ibang kaso sa matagumpay na pagpapatupad ng Regional Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations ng Philippine National Police sa lalawigang ito.
Base sa ulat kay Calabarzon Regional Director Brig. Gen. Eliseo DC Cruz ni Batangas Police Provincial Director Col. Glicerio Cansilao, kabilang sa mga nahuli ang 45 wanted persons kabilang ang dalawang most wanted persons sa regional level, limang provincial level at limang city o municipal level.
Naaresto rin ang isa sa mga suspek sa pagpatay kay PO2 Wilfredo Pondoc Jr. y Castrodes ng Cuenca MPS, na natagpuang walang buhay noong Oktubre 4, 2018 sa Sitio C5, Brgy. Pob. 1, Cuenca, Batangas, na kinilalang si Reynald Jun Arellano y Musni alyas “Baijing Musni”, top 1 MWP provincial level.
Kabilang sa nadakip ang 40 drug personalities sa buy-bust operation at nakumpiska ang 43.84 gramo ng shabu at 0.11 gramo ng marijuana na may kabuuang P298,125.20 ang halaga.
Sa operasyon kontra ilegal na sugal naman tulad ng illegal number games, video karera, at tupada ay nakumpiska ang bet money na may kabuuang P18,955.
Nahuli naman sa search warrant operation dahil sa ilegal na baril ng pinagsanib pwersa ng pulisya ang 70-anyos na si Benjamin Bautista y Cordero ng Brgy. Tilambo, Taysan, na umano’y lider ng Bautista gun-for-hire criminal group na nag-o-operate sa Batangas.
Kabilang din sa mga nadakip ang apat pang indibidwal dahil sa pagtatago ng ilegal na baril.
Nakuha sa mga suspek ang isang kalibre .45 Black Armscor, isang kalibre .45 Silver Armscor, iba’t ibang uri ng mga magazine at mga bala. (CYRILL QUILO)
380 