17-ANYOS TINUBO NG KAAWAY KRITIKAL

CAVITE – Kritikal ang kalagayan sa pagamutan ng isang 17-anyos na binatilyo nang tubuhin ng kanyang kaaway nang magpang-abot ang mga ito sa Gen. Trias City nitong Biyernes ng madaling araw.

Nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Miguel, residente ng Brgy. Navarro, Gen. Trias City, Cavite dahil sa sugat sa ulo.

Arestado naman ang supek na si alyas “Lance”, 19, ng nasabi ring barangay, nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Ayon sa ulat, nagpanagpo ang biktima at suspek sa Brgy. Navarro, General Trias bandang alas-12:30 ng madaling araw.

Walang kaabog-abog umanong pinalo ng tubo ng suspek ang biktima sa ulo nito.

Tinangka naman ng biktima na depensahan ang sarili at nakipagsuntukan sa suspek hanggang dumating ang ilang barangay tanod at inaawat ang mga ito.

Agad isinugod sa ospital ang biktima habang inaresto naman ang suspek.

Hindi pa rin nagkakamalay ang biktima hanggang sa kasalukuyan.

(SIGFRED ADSUARA)

54

Related posts

Leave a Comment