MISTER NA GUMAHASA, NAGPASAK NG BOTE SA ARI NI MISIS ARESTADO

RIZAL – Hindi nakapalag nang arestuhin ng mga awtoridad ang isa sa most wanted persons sa lalawigan, sa kasong qualified object rape.

Kinilala ang suspek na si alyas “Allan,” 52, isang foreman, at residente ng Brgy. San Juan, Cainta, Rizal.

Ayon sa ulat na natanggap ni Police Colonel Felipe Maraggun, Provincial Director, dakong alas-2:10 ng hapon noong Huwebes, Hunyo 5, 2025, nang matunton at arestuhin ng mga tauhan ng Cainta Municipal Police Station ang akusado sa Brgy. Sto. Domingo, Cainta.

Si Allan ay may kasong qualified object rape at maaaring maglagak ng pyansang P200,000 para sa pansamantala niyang kalayaan.

Base sa imbestigasyon, noong Disyembre 31, 2008, pinaniniwalaang isinagawa ng akusado ang karumal-dumal na krimen. Pinasakan umano nito ng bote ang maselang parte ng kanyang buntis na asawa, na naging sanhi ng matinding pagdurugo at impeksyon sa fetus.

Sa ngayon, nakakulong na si Allan sa Cainta Custodial Facility para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, habang iimpormahan naman ang korte na naglabas ng warrant of arrest sa para sa matagumpay na operasyon.

(NEP CASTILLO)

50

Related posts

Leave a Comment