NAKAUWI na sa Pilipinas ang 17 Filipinos mula sa Oman at Saudi Arabia matapos silang ma-stranded sa Dubai airport noong November 1 nang kanselahin ng Philippine Airlines ang kanilang byahe dahil sa paghihigpit ng mga local government unit.
Nakauwi na ang grupo ng OFW noong November 2 sa tulong ng Philippine Consulate at kanilang staff na umasikaso sa ating kabayani kabilang na ang pagkain at pagbo-book sa Cebu Pacific airlines.
Ang grupo ng mga OFW ay natengga ng dalawang araw sa Dubai Airport Terminal 1 matapos kanselahin ng PAL ang flight PR0659 patungong Cebu noong October 31.
Siyam sa mga Pinoy worker ay galing sa Oman at ang 8 OFWs ay mula naman sa Jeddah and Dammam, Saudi Arabia. Hindi sila makalabas ng Dubai airport dahil wala naman silang entry visas doon.
Dahil dito, natulog na lang sila sa airport at naghintay nang matagal matapos ang ginawang pagkansela ng PAL dahil sa paghihigpit sa Cebu noong Nov. 1 at Nov. 2 dahil sa inaasahang dagsa ng byahero para sa Undas.
Sabi ng isang OFW, paubos na ang pera nilang baon pauwi dahil sa sobrang mahal pa ng mga pagkain sa airport. Ilan pa sa kanila ang sumailalim sa swab test na sarili nilang gastos.
Narito naman ang pahayag ng PAL sa nangyaring kanselasyon ng flight nila. “We urgently appeal to the Philippine and Dubai authorities to work towards resolving the situation so that we may again be able to operate our planned schedule of flights to and from Dubai and make use of all our seats onboard each flight, for the best interests of our passengers.”
***
Good News! Tatanggap ng kompensasyon ang siyam na libong OFWs na babayaran ng Kingdom of Saudi Arabia na napilitang umuwi sa bansa bunsod ng kabiguan ng mga kompanya na pasahurin sila.
Ang magandang balita ay inanunsyo ni DOLE Secretary Silvestre Bello III at ito’y napagkasunduan nila sa pulong niya kay KSA Labor Minister Ahmed al-Rajhi na isinagawa sa Abu Dhabi kamakailan.
Ang nakatataba ng puso ay mismong ang Labor minister pa ng Saudi Arabia ang pupunta sa Pilipinas para bayaran ang 9-libong OFW na aabot sa halagang P4.6 bilyon.
Pangako umano ng Saudi Arabia, matatanggap ng nasabing mga OFW ang kabayaran sa Disyembre o bago sumapit ang kapaskuhan.
Sana naman maging mabilis ang proseso ng pagbabayad.
Advance Merry Christmas mga kabayani!
Abangan sa susunod ang segment ng ‘Know your candidates’ sa kolum na ito. Aalamin natin kung sino-sinong mga kandidato ang nagsusulong ng kapakanan, proteksyon at kagalingan ng overseas Filipino workers.
Para sa inyong mga komento, opinyon at suhestiyon, paki-email lang sa dzrh21@gmail.com.
219 