17 PINOY SA QATAR NANANATILI SA PIITAN

TINATAYANG 17 Pilipino ang nananatili sa police station sa Qatar matapos arestuhin dahil sa pagsasagawa ng political demonstration.

“Mayroong 17 na nasa police station pa… mga one hour from the capital Doha,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega.

“Nag-rally sila… Pinapunta na natin ang ating mga opisyal… We are going to monitor and coordinate,” ang sinabi nito.

Sa ulat, sinabi ng Philippine Embassy sa Qatar na ang ilang pinoy na inaresto sa Qatar ay para sa ”suspected unauthorized political demonstrations.”

”The Embassy of the Republic of the Philippines in Doha is aware that several Filipino nationals have been arrested and detained early today, March 28, 2025, for suspected unauthorized political demonstrations in Qatar,” ang sinabi ng embahada.

Inulit ng embahada ang payo nito sa lahat ng mga Pilipino na igalang ang lokal na batas at kaugalian kaugnay sa mass demonstrations at paghahayag ng ‘political grievances.’
“Lahat ng klase ng political rally, bawal sa Qatar,” ayon kay de Vega.

Marso 28, nagdiwang ng kanyang 80th birthday si dating pangulong Duterte na ngayon ay nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa Netherlands.

(CHRISTIAN DALE)

41

Related posts

Leave a Comment