PAGBABALIK NG TANIM-BALA SA NAIA IKINABABAHALA NG OFWs

NABABAHALA ang grupo ng overseas Filipino workers sa pagkabuhay ng isyu at dating gawain sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na tanim-bala modus.

Binanggit ng AKO-OFW ang nag-viral na video sa social media sa pagharang ng bagahe ng isang senior citizen sa paliparan noong March 6 matapos umanong makitaan ng bala o anting-anting sa kanyang bagahe.

Ayon kay 1st nominee at AKO-OFW Chairman Dr. Chie Umandap, dapat busisiin maigi ang bawat tauhan sa NAIA at dagdagan ang mga CCTV sa nasabing paliparan.

Binigyang-payo rin ng AKO-OFW Party-list ang mga papaalis na OFW na magdoble ingat at siguruhin na sila mismo nag-iimpake ng kanilang bagahe.

Dagdag pa ni Umandap, mas maiging kuhanan ng video ang kanilang pag-iimpake para na rin mayroon silang ebidensya.

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malalimang imbestigasyon sa umano’y bagong insidente ng tanim-bala sa NAIA.

76

Related posts

Leave a Comment