18 PATAY SA COVID SA CALOOCAN

UMAKYAT na sa 1,739 ang total COVID deaths sa Caloocan City noong Marso 5 mula sa 1,721 nang huling naglabas ng COVID bulletin ang lungsod noong Pebrero 26, o karagdagang 18 casualties.

Bumaba naman sa 73 ang active cases sa siyudad mula sa dating 111. Pumalo na sa 74,441 ang mga tinamaan ng COVID sa Caloocan, at sa nasabing bilang ay 72, 629 na ang gumaling.

Ayon naman sa Malabon City Health Department, isa ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing petsa mula sa Barangay Tañong, at 25,338 na ang total positive cases sa lungsod, 16 dito ang active cases.

Nanatili naman sa 24,600 ang bilang ng recovered patients ng siyudad, at hindi gumalaw ang 722 death toll.

Walang iniulat na namatay at nagpositibo sa Navotas sa naturang araw habang dalawa ang gumaling kaya’t 10 na lang ang active cases sa lungsod.

Umabot na sa 21,075 ang nasapul ng pandemya sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 21,075 na ang gumaling at 639 ang namatay. (ALAIN AJERO)

164

Related posts

Leave a Comment