Kurdapyo ni TOTO NABAJA
GUMAWA ng kasaysayan itong si Police Regional Office 3 (PRO3) Director PBGen. Jess B. Mendez sa Central Luzon.
Mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya, sa loob lamang kasi ng bente kwatro oras ay nakapag-account ito ng 187 baril. Mismo!
Oh ‘di ba? Kasing bilis ng kidlat kumilos itong mga tauhan ni PBGen. Mendez para ipatupad ang programang Accounting and Disposition of Firearms with Expired Registration (ADFER).
Ang kampanya ay alinsunod sa PNP Focused Agenda ni PNP chief, Gen. Melencio C. Nartatez Jr., na pigilan ang paglaganap ng loose at unaccounted firearms.
Maganda itong layunin ng ating hepe ng Pambansang Pulisya na tiyakin ang tamang paghawak at dokumentasyon ng mga baril sa ilalim ng ADFER.
Kaya naman itong si PBGen. Mendez ay hindi nagpahuli sa nasabing kampanya at agad na ikinumpas nito ang kanyang mga kamay.
Dahil sa pinaigting na kampanya ni PBGen. Mendez, sa loob ng bente kwatro oras, umabot sa 187 baril ang idineposito sa pulisya.
Sa nabanggit na bilang, 182 baril ang idineposito para sa safekeeping, habang lima naman ang boluntaryong isinuko sa mga awtoridad.
Siyempre! Layon din nito na maiwasang mawala, manakaw o magamit sa mga ilegal na gawain, at hindi lang ‘yan, mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya, dahil sa bawat baril na isinusuko maraming buhay ang naililigtas. ‘Di ba PBGen Mendez Sir? Tumpak!
Kaya ‘yung may mga baril d’yan na paso na ang rehistro, maiging boluntaryo n’yong ideposito o ‘di kaya makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya, huwag n’yo nang hintayin na katukin pa kayo sa inyong mga bahay. Hahaha.
Ang pagkakaroon ng baril o pagmamay-ari ay hindi karapatan kundi isang pribilehiyo na may kaakibat na responsibilidad. Ambot sa bakang biyuda.
Abaw ah! Siyempre pinuri naman ni PBGen. Mendez ang kanyang mga tauhan dahil sa matagumpay na kampanya.
Kanya rin pinasasalamatan ang mga may-ari ng baril na nakikipagtulungan sa programa.
Patuloy naman ang pagpapalakas ng PRO3 sa preventive policing at Unified 911 emergency response upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Congratulations, Sir!
‘Yan ang Tatak Mendez. Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman sa Region 3.
85 