PASSPORT ISSUE NI GIBO ‘DI PA TAPOS?

PUNA ni JOEL O. AMONGO

NOONG Hulyo 2025, naging kontrobersiya ang Maltese citizenship ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr.

Sumagot ang Department of National Defense. Ayon sa DND, isinuko at ni-renounce ni Teodoro ang kanyang Maltese passport bago siya naghain ng kandidatura para sa 2022 elections.

Sinabi rin nitong na-disclose ang passport sa Bureau of Immigration at Comelec bago ang halalan, at sa Commission on Appointments bago ang kanyang confirmation bilang Defense Secretary.

Si Teodoro naman ay nagsabing smear campaign ang pagbuhay sa kanyang lumang passport issue at iginiit na ginawa niya ang kinakailangang proseso ng renunciation. Malacañang later said President Marcos knew about his former citizenship and that the matter was reflected in government records.

So iyon na ba iyon? Tapos na? Posible. Pero may problema.

May ibang passport na ngayon ang humihingi ng paliwanag. At hindi kay Gibo nakapangalan ang bagong tanong. May U.S. travel history record para sa Document No. 1259254. Country of issuance: Malta. May movements itong nakatala mula 2016 onward.

Sa mga dokumentong ibinigay kaugnay ng record, ang passport number ay iniuugnay kay Monica Prieto-Teodoro—ang asawa ng Defense Secretary. Pero bago sabihing family matter lamang ito, may isang importanteng detalye.

Si Monica ay hindi lamang “asawa ni Gibo.” Nagsilbi siyang Special Envoy of the President to UNICEF.

Noong Setyembre 2018, official Philippine records show that she was at UN Headquarters in New York representing the Philippines before the UNICEF Executive Board.

At sa supplied travel history ng Malta-issued document, may nakatalang U.S. movements noong 2018.

Doon nag-iiba ang kuwento.

Ang lumang tanong: Nagkaroon ba ng Maltese citizenship si Gibo? Sagot ng DND: Oo, pero ni-renounce at isinuko na bago siya bumalik sa public office.

May government answer. Ang bagong tanong: Ano naman ang naging status ng alleged Maltese citizenship at passport ni Monica habang may public appointment siya sa gobyerno ng Pilipinas? Hindi iyon sinasagot ng paliwanag tungkol sa passport ni Gibo.

Magkaibang tao. Magkaibang appointment. Magkaibang record. Magkaibang tanong. Kung disclosed ang foreign citizenship ni Monica, kanino? Kung may requirement na mag-renounce, ginawa ba? Kung walang requirement, ano ang legal basis?

Alam ba ng DFA? Alam ba ng Malacañang?

At kung properly documented naman ang lahat, may pagkakataon ngayon ang gobyerno na ilabas ang malinaw na paliwanag at tuluyang tapusin ang usapan.

Hindi kailangang mag-conclude agad na may paglabag. Pero hindi rin puwedeng isara ang bagong tanong gamit ang lumang sagot. Diyan madalas nagkakamali ang political conversation.

Kapag pamilyar na ang pangalan ng controversy, iniisip nating pamilyar na rin ang lahat ng facts.

Hindi palagi. Minsan, bumabalik ang isang lumang kuwento dahil may bagong allegation. Minsan, may bagong dokumento.

At minsan— akala natin nasagot na ang issue, pero ibang tanong pala ang nasagot.

Kaya bago muling sabihin na “lumang balita na iyan,” may mas simpleng tanong na dapat sagutin: Gibo’s passport was explained. What about Monica’s?

OOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa operarioj45@gmail.com.

78

Related posts

Leave a Comment