HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 19-anyos na dalagita makaraan umanong uminom ng dishwashinbg liquid sa kanilang bahay sa Quiapo, Manila noong Miyerkoles.
Base sa naantalang ulat ni Det. Irene Jay Manalili na isinumite kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-4:45 ng hapon nang marinig ng ama ang biktima na sumisigaw sa loob ng banyo.
Kinatok umano ng ama ang pinto ngunit hindi nagbukas ang dalagita kaya puwersahang binuksan hanggang sa makita ang biktimang walang malay na nakahandusay at nasa tabi nito ang isang bote ng dishwashing liquid na pinaniniwalaang ininom nito ang laman.
Isinugod ang biktima sa Metropolitan Hospital ngunit idineklarang dead on arrival. (RENE CRISOSTOMO)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)