HINDI nakapalag ang dalawang lalaki sa ikinasang entrapment operation mga awtoridad hinggil sa pamemeke ng swab test results at vaccination cards sa Quiapo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Martes.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 175 ng Revised Penal Code (Falsification of Public Documents, Certificates) at Sec 9 (b) (Tampering of Records or Intentionally Providing Misinformation) ng RA 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act) ang dalawang suspek na sina Edito Pan y Ata, 41, encoder, at Jimmy Santisima Jr., y Noda, 31, helper.
Batay sa ulat na isinumite ni P/Major Carlo Lonosa, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit ng MPD, kay P/Lt. Col. Levi Hope Basillo ng District Intelligence Division, bandang alas-3:00 ng hapon noong Setyembre 3 nang salakayin ng mga awtoridad ang mga suspek sa #968 R. Hidalgo St. sa Quiapo kung saan pinainan ang mga ito ng P500 marked money kapalit ng pekeng RT-PCR test result at pekeng vaccination card.
Bukod dito, nakumpiska rin mula sa mga suspek ang ilang pekeng dokumento ng DOH at San Lazaro Hospital na may pangalan ng 3 katao,
Nakumpiska sa mga suspek ang isang unit ng laptop, isang printer, isang dry seal stamp, at ang marked money na ginamit sa operasyon. (RENE CRISOSTOMO)
222 