2 ARMADO INARESTO SA TAGAYAN

INARESTO ang dalawang lalaki habang nakikipag-inuman makaraang makumpiskahan ng baril sa isinagawang anti-criminality operation ng mga tauhan ng Manila Police District – Baseco Police Station 13 sa Block 5, Aplaya, Baseco Compound, Port Area, Manila noong Miyerkoles ng madaling araw

Kinilala ang mga inaresto na sina alyas “Bumbay”, 31, at alyas “Robin”, 36, sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 in relation to BP881 (Omnibus Election Code), BP 6, at Sec. 11, Art. 2 ng Republic Act 9165.

Ayon sa ulat ni Police Master Sergeant Voltaire Yap kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, station commander, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang damputin ang mga suspek sa nabanggit na lugar.

Si alyas “Robin” ay may standing warrant of arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016, na inisyu ng Branch 15, ng Regional Trial Court ng Manila.

Bunsod nito, tinungo ng mga tauhan ng Warrant Section, Follow-up Section, Intelligence Section, at ng Tactical Motorized Riders Unit, sa pangunguna ni Police Captain Mel Soniega, hepe ng Station Investigation Division Management Branch (SIDMB), ang lugar upang isilbi ang nasabing warrant of arrest kay Robin ngunit nadatnan ang dalawang suspek na nag-iinuman.

Nang kapkapan si Robin ay nakumpiskahan ito ng baril gayundin si alyas “Bumbay”.

Bukod dito, nakumpiskahan din ang mga suspek ng tinatayang 3 gramo ng umano’y shabu at isang combat knife. (RENE CRISOSTOMO)

68

Related posts

Leave a Comment