INIHAYAG ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni PCol. Melecio M. Buslig, Jr., ang pag-aresto sa tatlong station level-most wanted persons sa bisa ng warrants of arrest noong Enero 14, 2025.
Ayon sa ulat, inaresto ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ng PMAJ Don Don M. LLapitan, kasama ng mga tauhan ng Holy Spirit Police Station (PS 14), ang No. 7 MWP ng PS 14 na kinilalang si Rommel Francisco, 47, bandang alas-5:30 ng hapon sa kanyang tirahan.
Nabatid na si Francisco ay may nakabinbing warrant of arrest para sa paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, na inisyu ng Branch 7, Family Court, Marikina City.
Sa kabilang banda, ang Masambong Police Station (PS 2), sa ilalim ni PMAJ Jan Christian Bautista, ay nagsilbi ng warrant of arrest kay Rommel Padilla Alves, 42, nakalista bilang No. 5 MWP ng PS 2, alas-3:30 ng hapon sa Male Dormitory, Guagua District Jail, BJMP, Region 3, Brgy. San Vicente, Ebus, Guagua, Pampanga, dahil sa paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na inisyu ng Branch 309, RTC, Quezon City.
Habang ala-1:30 ng hapon sa Computer Shop sa Berting St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City, naaresto ng Novaliches Police Station (PS 4), sa ilalim ni PLt. Col. Rossel Cejas, ang kanilang No.8 MWP na kinilalang si Mark Anthony Dimayo, 34, may nakabinbing warrant of arrest dahil sa paglabag sa R.A. 9165 na inisyu ng Branch 103, RTC, Quezon City. (PAOLO SANTOS)
