2 BARKONG SANGKOT SA P20-M FUEL PILFERAGE KINASUHAN

NAHAHARAP sa kasong kriminal ang mga may-ari at tripulante ng dalawang marine tankers na sangkot fuel pilferage o paihi, isang modus operandi na ilegal na naglilipat ng unmarked or smuggled fuel, kasunod ang ikinasang anti-smuggling operation ng Bureau of Customs sa Navotas Fish Port.

Ayon sa pahayag ng Aduana, sinampahan ng kaso ang mga operator ng MT Tritrust at MT Mega Ensoleillee dahil sa mga paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, National Internal Revenue Code, at Tax Reform for Acceleration and Inclusion.

Ayon sa BOC, ang MT Tritrust at MT Mega Ensoleillee ay naglalaman ng 320,463 litro at 39,884 litro ng diesel fuel, na nagkakahalaga ng mahigit P20 million.

Kabilang sa mahaharap sa kasong kriminal ang 9 crew members ng MT Tritrust, 16 crew members ng MT Mega Ensoleillee, at hindi pinangalanang mga may-ari ng mga barko at ng smuggled na langis.

Ayon sa lumabas na ulat, nahuli ang dalawang sasakyang dagat na nagpupuslit ng pinaniniwalaang smuggled fuel.

Nabatid na una rito ay sumailalim sa fuel marking test ng Enforcement Group-Fuel Marking Agents ang kargang diesel fuel na lulan ng dalawang marine tanker.

Lumitaw na negatibo sa ginagamit na kemikal para sa fuel marking ang lulan nilang diesel fuel at bigo ring silang makapagpakita ng Withdrawal Certificate at iba pang kaukulang dokumento kaya’t ang mga unmarked fuel ay pinaniniwalaang ilegal na inangkat, ayon sa BOC.

Ayon sa tanggapan ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, matapos silang makatanggap ng derogatory information hinggil sa hinihinalang pagpupuslit ng smuggled fuel ay agad na kumilos ang Customs Investigation and Intelligence Service – Manila International Container Port (CIIS – MICP) agents, katuwang ang Enforcement Group – Fuel Marking Agents at Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Aduana para magsagawa ng anti-smuggling operations sa area ng Navotas.

“This seizure reflects our firm commitment in protecting the country’s borders from illegal activities, especially fuel smuggling, which deprives the government of rightful revenues,” said BOC Commissioner Rubio. “We will continue to heighten our efforts to ensure that offenders face the full force of the law.” (JESSE KABEL RUIZ)

159

Related posts

Leave a Comment