PATAY ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG), kabilang ang isang regional leader, sa engkwentro laban sa tropa ng pamahalaan sa T’boli, South Cotabato noong Abril 9.
Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Anthony Narvasa, alyas “Magaw,” secretary ng Far South Mindanao Region, at si Rosa Kian, alyas “Mutya” o “Roxanne.”
Ayon kay Brig. Gen. Michael Santos, Commander ng 603rd Infantry Brigade, nahaharap si Narvasa sa iba’t ibang kasong kriminal kabilang ang murder at attempted homicide.
Sa clearing operations, nakarekober ang militar ng apat na M16 rifles at isang R4 rifle.
Sinabi ng militar na bahagi ito ng patuloy na kampanya laban sa armadong grupo sa rehiyon.
(JESSE RUIZ)
100 