2 DEHADO, PANALO

NANGIBABAW ang bagitong Zamboanga Sibugay at dehadong Kapatagan laban sa paborito nilang mga karibal sa Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Challenge nitong weekend sa Pagadian City Gymnasium, Zamboanga Del Sur.

Ginapi ng Zamboanga Sibugay ang Iligan, 95-71, habang dinungisan ng Kapatagan ang dating imakuladang Basilan BRT, 77-71, sa kauna-unahang professional basketball league sa South.
Pinangunahan ni Joseph Peñaredondo ang opensa ng Anak Mindanao Warriors sa naiskor na 24 puntos, para sa ikalawang sunod na panalo matapos ang 0-2 simula, habang natamo ng Iligan ang ika-apat na sunod na kabiguan.

“In-emphasize ko talaga sa kanila na every game is a must-win. Kailangan namin mag-ipon ng panalo kasi pagdating ng second round ibang challenge na naman ‘yun,” pahayag ni Zamboanga Sibugay head coach Arnold Oliveros.

Nanguna si Shaq Imperial sa Zamboanga sa kanyang 16 puntos, at tatlong steals, habang kumana si Jan Jamon ng 13 puntos.

Kumubra para sa Iligan si Jack Hoyohoy, 15 puntos, habang umiskor si Tristan Tolentino ng 14 puntos.

Bumida sa Kapatagan si Mark Daanoy nang magtala ng 21 puntos, siyam na rebounds, tatlong steals, dalawang assists, at isang block, para tuldukan ang winning streak ng Basilan.
Tangan ng defending ­Mindanao leg champion Peace Riders ang 16-game winning streak, bago sila nasilat ng dehadong Kapatagan.

Naghabol ang Basilan sa kabuuan ng laro bago nakadikit sa 70-73 mula sa matikas na opensa nina Jorem Morada at Dennis Daathree, ngunit kumamada si Edrian Lao sa krusyal na sandali para makumpleto ang panalo ng Buffalos.

“Malaking boost ‘yung matalo ‘yung Basilan kasi madadala namin ‘yung kumpiyansa sa remaining games namin,” pahayag ni Kapatagan head coach Jaime Rivera.

Kumubra si Mark Daanoy ng 21 puntos, habang tumipa sina KD Ariar ng 13 puntos, anim na assists, at apat na rebounds para sa winning team. Nanguna sa Basilan si Junjie Hallare na may 16 puntos.

103

Related posts

Leave a Comment