2 gumaling muling nagpositibo 2 PA PATAY SA COVID SA MALABON

MULING nakapagtala ng dalawang bagong COVID-19 casualty ang Malabon City at dalawa ang gumaling ngunit muling nagpositibo sa nasabing sakit sa unang araw ng Disyembre.

Ayon sa City Health Department, tig-isa ang namatay sa Brgy. Panghulo at Brgy. Potrero.

Sa nasabi ring dalawang barangay ay nagkaroon ng pagbabago sa datos ng mga gumaling dahil muling nagpositibo sa COVID-19 ang dalawa sa mga ito.

Mula 220 ay 219 na lamang ang recoveries sa Panghulo habang mula sa 669 ay 668 na lamang sa sa Potrero.

Kaugnay nito, 11 ang nadagdag na confirmed cases sa lungsod at 5,838 na ang positive cases. Sa bilang na ito ay 30 ang active cases.

Sa kabuuan ay 5,584 na ang recovered patients sa siyudad at 224 ang binawian ng buhay dahil sa pandemya. (ALAIN AJERO)

113

Related posts

Leave a Comment