2 INUTAS SA TRICYCLE

QUEZON – Dalawang hindi pa kilalang lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay habang sakay ng tricycle sa Lucena City noong Sabado ng gabi.

Kapwa wala nang buhay at may mga tama ng bala nang madiskubre ang dalawang biktima sa nakaparadang tricycle sa Barangay Ibabang Dupay dakong alas-11:45 ng gabi.

Nasa driver seat ang isa habang nasa passenger side naman ang isa pang biktima.

Ayon sa Lucena police, nakarinig ang mga residente ng sunod-sunod na putok sa lugar at nang mag-usisa ay bumulaga sa kanila ang wala nang buhay na mga biktima.

Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga biktima at upang mabatid kung ano ang posibleng motibo sa krimen at kung sino ang mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)

146

Related posts

Leave a Comment