BANGKAY NG ‘ADIK’ ISINAKO, ITINAPON

CAVITE – Hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang bangkay ng isang ‘di nakilalang lalaki na nakasilid sa sako sa Imus City nitong Linggo ng madaling araw.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng bangkay na isinilid sa sako at karton saka tinalian ng duct tape at electrical wire.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Mark Anthony Salvador ng Imus City Police Station, dakong alas-4:00 noong Linggo ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang tanggapan ng Imus CPS hinggil sa natagpuang bangkay ng isang lalaki na nakasilid sa sako sa Daang NIA, Brgy. Medicion 2B, Imus City.

Bukod sa nakasilid sa sako, nilagyan din ng signage sa ibabaw ng karton na may nakasaad na “Huwag pamarisan, adik na manyak pa.”

Pinaniniwalaan ng pulisya na salvage victim ito dahil sa sistema ng pagpatay at isinilid pa sa sako. (SIGFRED ADSUARA)

223

Related posts

Leave a Comment