NAKUMPISKAHAN ng 3 sachet ng umano’y shabu at 2 sachet ng marijuana ang dalawang lalaki sa inilatag na buy-bust operation sa Pablo Ocampo Street , malapit sa panulukan ng Leon Guinto St. sa Malate, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw.
Kinilala ang mga suspek na sina Angelo Palcunit, 29, at alyas Christian, 22-anyos.
Base sa ulat na isinumite ni Police Major Salvador Iñigo Jr., hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), bandang alas-12:50 ng madaling araw nang madakip ang mga suspek sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.
Nakumpiska sa mga ito ang 3 sachet ng umano’y shabu at 2 sachet ng marijuana na P21,600 ang halaga.
(RENE CRISOSTOMO)
