SWAK sa selda ang dalawang suspek nang makumpiskahan ng mahigit P2.8 milyong halaga ng umano’y shabu sa Navotas City.
Nabatid, may nagnguso sa Navotas City Police hinggil sa pagtutulak ng mga suspek kaya nagkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad.
Nakipagtagpo ang isang undercover sa mga suspek sa Babanse Street sa Barangay North Bay Boulevard South Kaunlaran at nang makaiskor ng shabu ang poseur buyer sa mga suspek ay dinamba ang mga ito.
Nakuha sa mga suspek ang 420 gramo ng shabu na may street value na mahigit sa P2.8 milyon.
Binitbit ang mga suspek sa Navotas Police Station at kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)
