DALAWANG notoryus na drug personalities ang namatay nang mauwi sa engkwentro ang inilatag na anti-narcotics operation ng mga tauhan ni
PNP-Police Regional Office 5 Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, sa Nabua, Camarines Sur.
Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief P/Major Maria Luisa Calubaquib, hindi nakawala sa mga operatiba ng PNP Bicol ang dalawang tulak ng droga sa inilatag na buy-bust operation nang
pinagsamang mga operatiba ng Nabua MPS DEU at ORDO-RPDEU sa
pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ROV noong Miyerkoles ng gabi sa Zone 4, Brgy. San Vicente, Nabua, Camarines Sur.
Kinilala ang mga suspek na sina Romeo Sotto y Esmella, residente ng
Brgy. La Purisima Nabua, Camarines Sur, at Rustom Ocampo y Melartis, residente ng Brgy. San Jose Pangaraon, Nabua, Camarines Sur.
Sa nasabing operasyon, nakabili ang poseur buyer ng PNP sa mga suspek ng isang pakete ng hinihinalang shabu sa halagang P73,000.
Pagkaraan ay nagpakilala ang poseur buyer na isa siyang pulis ngunit bumunot ang mga suspek ng baril at pinaputukan ang papalapit na mga operatiba.
Gumanti naman ng putok ang mga pulis upang idepensa ang kanilang sarili na ikinamatay ng mga suspek. (JESSE KABEL)
172 