2 RIDERS PATAY SA SAKUNA SA KALSADA

CAVITE – Patay ang dalawang motorcycle rider sa magkahiwalay na aksidente sa kalsada sa lalawigang ito.

Isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang biktimang si Reagan Bidbid, 46, ng Naic, Cavite habang dinala sa Philippine General Hospital si Raymund Dauioag, 32, may asawa, security guard, residente ng B2, L2, PH3 Milagrosa, Carmona, Cavite, kapwa binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Hawak na ng pulisya ang driver ng isang itim na Toyota Grandia (SHG 890) na si Melvin Casuat, 47, at Paolo Jude Carlos, 23, driver naman ng isang shuttle service na Toyota Hi Ace GL Grandia (ATA 8760).

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Antony Macario ng Naic Municipal Police Station, dakong alas-7:45 ng umaga nitong Sabado ng hapon nang mangyari ang insidente sa Brgy. Sapang ng naturang bayan
habang minamaneho ng biktimang si Bidbid ang motorsiklo ngunit biglang sinalpok ng Toyota Grandia na minamaneho ni Casuat.

Sa ulat naman ni Pat. Jerome Asis ng Bacoor City Police Station, minamaneho ni Dauioag dakong alas-8:00 ng gabi noong Biyernes, ang kanyang motorsiklo sa Molino Road, Brgy. Molino 3, Bacoor City nang masalpok ng Toyota Hi Ace GL Grandia na minamaneho ni Carlos. (SIGFRED ADSUARA)

245

Related posts

Leave a Comment