BULACAN – Patay ang magka-angkas na lalaki at babae sa isang motorsiklo matapos pagbabarilin ng isang lalaking sakay rin ng motorsiklo sa Barangay Lambakin, sa bayan ng Marilao sa lalawigan noong Martes ng madaling araw.
Kinilala ng pulisya ang isa mga biktima na si alyas “Edwin”, residente ng Northville 4B, Barangay Lambakin, Marilao, Bulacan habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng babaeng namatay na nasa edad 20.
Base inisyal na report, nangyari ang pamamaslang bandang alas-12:00 ng madaling araw, ilang metro lang ang layo mula sa bahay ng lalaking biktima.
Nabatid na magka-angkas ang mga biktima ng motorsiklo, at ilang minuto lamang makaraang umalis sa bahay ng lalaki nang biglang sumulpot ang suspek na sakay rin ng motorsiklo.
Bumaba umano mula sa itim na MIO motorcycle ang suspek na nakasuot ng long sleeves at facemask at pinaputukan ang mga biktima na agad ikinamatay ng mga ito.
(ELOISA SILVERIO)
