PCG-QUEZON SINANAY NG BJMP SA TAMANG PAGKUSTODIYA NG DETAINEES

PINALAKAS ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) da Candelaria District Jail ang kaalaman ng mga tauhan ng Coast Guard Station Southern Quezon sa tamang pamamaraan ng pag-kustodiya at seguridad ng mga detainee sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang comprehensive lecture sa mga ito.

Ang pagsasanay, na ginanap nitong Martes sa tanggapan ng CGS Southern Quezon sa Barangay Dalahican sa Lucena City, ay naglayong mapahusay ang kakayahan ng mga personnel ng Coast Guard sa pangangasiwa ng mga custodial facility habang tinitiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga indibidwal na nasa kanilang kustodiya.

Tinalakay sa sesyon ang iba’t ibang paksa tulad ng nararapat na pangangalaga sa mga detainee, mga protocol sa seguridad, mga pamamaraan ng pagtugon sa mga emergency at epektibong mga estratehiya sa komunikasyon sa loob ng isang custodial environment.

Bukod dito, nagbahagi rin ang BJMP ng mga praktikal na kaalaman sa paghawak ng iba’t ibang sitwasyon na maaaring kaharapin sa isang custodial setting sa tunay na buhay.

Ang Coast Guard Station Southern Quezon ay patuloy na nakatuon sa pagpapanatili ng kaligtasan sa karagatan, seguridad, at pagpapatupad ng batas sa Southern part ng lalawigan ng Quezon, gayundin sa pagprotekta sa kapaligiran ng dagat.

(NILOU DEL CARMEN)

42

Related posts

Leave a Comment