2 SUGATAN SA SAKSAK NG KAINUMAN

DALAWANG lalaki ang sugatan makaraang saksakin ng kanilang kainuman sa Malabon City noong Martes ng gabi.

Kapwa nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sina Dominador Padaca, 48, at Saldy Balbaloza, 32-anyos.

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya upang maaresto ang suspek na kinilalang si Jomer Banero, 36-anyos.

Sa report nina P/MSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Ernie Baroy kay Malabon Police chief, Col. Albert Barot, dakong alas-9:30 ng gabi, nag-inuman si Balbaloza at kanyang kaibigan na si Banero sa Mallari Street nang dumating si Padaca at sumali sa inuman.

Makalipas ang ilang sandali, naglabas si Padaca ng kanyang sentimyento at mga hinaing kay Banero naging dahilan upang magalit ang suspek at mauwi ang mga ito sa pagtatalo.

Kumuha ng butcher knife ang suspek saka sinaksak sa kaliwang braso si Padaca habang tinangka namang umawat ni Balbaloza ngunit nahagip din ito ng saksak sa kaliwang bahagi ng katawan.

Pagkaraan ay dinala ni Banero si Balbaloza sa naturang pagamutan saka iniwanan ng P1,000 bago umalis habang isinugod din ng mga barangay tanod si Padaca sa nasabi ring ospital.

Gumawa ng ‘waiver’ si Balbaloza na hindi na magsasampa ng kaso kay Banero habang pinili ni Padaca na magsampa ng reklamo sa suspek sa Brgy. San Agustin. (FRANCIS SORIANO)

339

Related posts

Leave a Comment