2 TERORISTA NAPATAY SA LANAO

DALAWANG kasapi ng Daulah Islamiyah-Maute group ang napaslang matapos na makasagupa ng local terrorist group ang mga tauhan ng Philippine Navy 1st Marine Brigade sa Barangay Lumbac, Balabagan, Lanao del Sur

Ayon kay Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., commander ng Western Mindanao Command, nagsasagawa ng focused military operations ang mga tropa ng Philippine Marines nang masabat nila ang grupo ni Polo Alim, isang Daulah Islamiyah-Maute group member.

Agad na nagkaroon ng palitan ng putok at mabilis ding tumakas ang mga kalaban at inabandona ang bangkay ng kanilang kasamahan.

Sa isinagawang clearing operations ng military katuwang ang ilang mga tauhan ng Balabagan Municipal Police Station, ay na-recover ang isa pang bangkay at war materials kabilang ang isang M16 rifle with M203 grenade launcher attached, isang cellphone, isang hand grenade, at drug paraphernalia.

Ayon kay Maj. Gen. Juvymax Uy, commander ng Joint Task Force Central, isa pang bangkay ang bitbit ng teroristang grupo habang tinutugis ng mga sundalo.

Samantala, apat naman sa hanay ng militar ang nagkaroon ng minor injuries sa gitna ng palitan ng putok at kinailangang dalhin sa Dr. Serapio Montaner Memorial Hospital sa Balabagan para malapatan ng lunas bago dalhin sa Camp Siongco Station Hospital sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

“I call on the people of Mindanao to remain vigilant especially during the election period where lawless elements are trying to disrupt the peace in the communities. Immediately report to the proper authorities any sighting of suspicious individuals and objects in your locality,” ani Lt. Gen. Rosario, Jr. (JESSE KABEL)

191

Related posts

Leave a Comment