2 TIMBOG SA P.8-M BATO

SWAK sa selda ang dalawang lalaki nang makumpiskahan ng lagpas sa P.8M halaga ng umano’y shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City.

Nasakote noong Marso 4 si Muamar Abeden sa Barangay 69, Caloocan City at nakumpiskahan ng tinatayang 100 gramo ng umano’y shabu na may presyong P680,000.

Habang bandang alas-3:20 ng madaling araw noong Marso 5 nang damputin sa Bagong Silang, Caloocan City si Jamaloden Assirong, 28, matapos inguso at nakumpiskahan ng 20 gramo ng umano’y shabu na may presyong P136,000.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharaping ng mga suspek. (ALAIN AJERO)

199

Related posts

Leave a Comment