2 WANTED NASUKOL SA MALABON

NADAKIP ng mga awtoridad ang dalawang wanted person, kabilang ang isang 17-anyos na binatilyo, sa isinagawang magkahiwalay na manhunt operation sa Malabon City.

Ayon sa report ni P/SMS. Addrich Reagan De Leon kay Malabon City Police deputy chief, P/Lt. Col. Aldrin Thompson, dakong alas-11:15 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/CMS. Gilbert Bansil, kasama ang 4th MFC, RMFB-NCRPO, ng joint manhunt operation kontra sa most wanted persons sa Arwana St., Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Ang binatilyo ay inaresto dahil sa kasong attempted murder sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Abigail Santos Domingo-Laylo, presiding judge ng Family Court Branch 4, Malabon City.

Nadakip naman sa manhunt operation ng mga awtoridad ang wanted person na kinilalang si Romar Hernandez, 31, sa C4 Road, Brgy. Longos sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court, Branch 73, Malabon City para sa kasong attempted rape. (FRANCIS SORIANO)

163

Related posts

Leave a Comment