20 LINDOL BAWAT ARAW NORMAL LANG — PHIVOLCS

phivolcs

(NI ABBY MENDOZA)

ARAW-ARAW  ay may naitatalang lindol sa iba’t ibang bahagi ng bansa, may ilan na malakas ngunit karamihan ay hindi nararamdaman dahil sa sobrang lalim ng pinagmulan.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs) ang 20 pagyanig sa araw-araw ay maituturing na normal lamang.

Ang pahayag ay ginawa ng Phivolcs sa harap na rin ng pangamba ng ilan na araw-araw ay may naitatalang lindol matapos ang 6.1 at 6.5 magnitude quake na tumama sa Luzon at Visayas.

Giit ni Phivolcs Director Renato Solidum, hindi magkakaugnay ang nararansang mga lindol.

Kahapon ay tinamaan ng 4.4 magnitude quake ang bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte, may lalim ito na 10km at naitala alas 3:00 ng madaling araw.

Intensity 4 ang naramdaman sa San Nicolas, Intensity 3 sa bayan ng  Sarrat.

Magnitude 4 naman ang tumama sa  Albuera Leyte alas 10:44 ng umaga, may lalim ito na 2km.

Intensity 3 ang naramdaman sa Ormoc City.

Ani Solidum ang sunud-sunod na nararanasamg lindol ay pagpapakita lamang kung gaano kaaktibo ang bansa pagdating sa earthquakes dahil isa ang Pilipinas na nasa Ring of Fire kung saan malakas ang seismic activities.

Ang dapat umano na paghandaan ay ang paggalaw ng West Valley Fault kaya kailangang maging handa at alam ang gagawin kapag nangyari ito.

 

 

260

Related posts

Leave a Comment