20 POSIBLENG KUTA NI ATONG ANG, SINALAKAY

INIHAYAG ni PNP chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na patuloy ang kanilang paghahanap sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.

Sinabi ni Nartatez, sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, hindi lalagpas sa 20 lugar ang sinalakay ng operation team na posibleng pinagtataguan ng negosyante.

‘Yung ibang lugar ay naka-tatlong beses na binisita ng mga operation team, subalit bigo pa rin silang matagpuan.

Sa ngayon, tinitingnan nila ang mga kaibigan ni Ang, na posibleng tumutulong sa pagtatago sa negosyante.

Meron na rin umanong mga isla rito sa Pilipinas na may presensya na ng mga pulis na manghuhuli kay Ang, sakaling makumpirma ang lokasyon nito.

Puspusan naman ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa kanilang international partners sakaling nagpunta sa ibang bansa si Ang at gumagamit ng ibang pangalan.

Ganito rin ang kanilang sistema sa iba pang mga pugante tulad ni dating BuCor chief, Gerald Bantag, dating Cong. Zaldy Co at tatlong executive ng Sunwest.

(TOTO NABAJA)

1

Related posts

Leave a Comment