NAGSAGAWA ng operasyon ang mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at nasampolan ang 20 Utility Vehicles ( UV) nitong umaga ng Miyerkoles sa Lawton, Ermita, Manila.
Nabatid na ang UV Express drivers ay hinuli dahil sa iba’t ibang paglabag gaya ng overpricing sa pasahe.
Ayon sa report ng LTFRB, pasado alas-10:00 ng umaga nang magsimula ang operasyon sa naturang lugar.
Napag-alaman, umabot sa P70 ang sinisingil na pasahe ng mga driver ng UV Express mula sa dating P45-48 sa rutang Sucat-Lawton.
Depensa ng mga driver, mataas din kasi ang presyo ng gasolina na kanilang kinukunsumo kaya nagtaas din sila ng pasahe. (RENE CRISOSTOMO)
