(NI BETH JULIAN)
ASAHAN nang malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 national budget bago sumapit ang Semana Santa.
Sa loob ng linggong ito o sa susunod na linggo ng Semana Santa ay tiyak nang mapipirmahan ng Pangulo ang nasabing budget dahil kasalukuyan na itong isinasapinal.
Kasabay nito, sinabi rin ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na inihahanda na rin ng Pangulo ang paglalabas sa veto message ng budget at tiniyak na hindi hahayaan na mag-lapse into law ang pambansang budget nang hindi nito inaaksyunan.
Samantala, isa sa nakikita ni Nograles na magiging implikasyon ng pagkaantala ng 2019 national budget ay ang pagkakapatung-patong ng mga nakalinyang proyekto ng gobyerno na ang pondo ay mula rito.
Ang mga papasok na bagong proyekto ay popondohan naman ng 2020 panukalang national budget.
123