(NI BETH JULIAN) SA susunod na linggo ay isa na namang opisyal ng gobyerno ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil umano sa isyu ng katiwalian. Ito ang ibinunyag ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, pero tumanggi pa itong magbigay ng karagdagang detalye. “Next week iaanunsyo ng Pangulo. Binanggit niya rin ‘yun during the meeting with some businessmen, na he will be firing another official,” ani Panelo. Matatandaan, pinakahuling sinibak sa puwesto ng Pangulo si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan dahil sa umano’y katiwalian. Ang Pangulo…
Read MoreMonth: April 2019
CHINESE DREDGING SHIP SA BATANGAS PINALAYAS NA
(NI DAVE MEDINA) PINAALIS na ng mga ahensya ng pamahalaan sa dagat na sakop ng Lobo, Batangas ang Chinese dredging ship na MV Emerald makaraang kanselahin ng Department of Environment and Natural Resources ang environmental compliance certificate na inisyu sa dredging ship MV Emerald na umangkla sa baybaying dagat ng Lobo, Batangas. Dahil dito, bandang alas-7:00 kahapon ng umaga ay pumalaot palayo ang MV Emerald na pansamantalang nag-angkla sa Batangas Pier. Kinansela ng DENR ang dredging operation ng MV Emerald makaraang mabigong makakuha ng clearance sa Mines and Geosciences Bureau.…
Read MoreP215-M DAGDAG KAY LENI GALING SA PONDO NG MGA SUNDALO
(NI BERNARD TAGUINOD) ISA ang tanggapan ni Leni Robredo sa nakinabang sa halos P84 Billion na inalis ng mga senador sa pondo ng build-build-build projects ni Pangulong Rodrigo Duterte at pera ng mga sundalo. Sa inilabas na dokumento ni House Appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., dinagdagan ng Senado ng P215 Million ang pondo ng Office of the Vice President. Binigyan din umano ng mga senador ng P1.7 Billion ang kanilang sariling pondo habang P597 Million naman sa Department of Agriculture (DA); P110 million sa Department of Energy (DoE); P2.5…
Read MoreKAYA BIGO; MALILIIT NA ‘ISDA’ LANG PINAPATOS SA DRUG WAR
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na ikinagulat ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung bigo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang giyera kontra ilegal na droga dahil ang mga maliliit na users ang kaniyang pinuntirya at hindi ang mga malalaking drug lords at mga shabu importers. Ayon kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, unang bugso pa lamang aniya ng drug war ni Duterte ay nagbabala na ang mga ito na hindi siya (Duterte) magtatagumpya sa kaniyang misyon dahil mga users at small time pushers lamang ang kanilang tinatarget at…
Read MoreTRIPULANTE NG CHINESE VESSEL PINAAARESTO
(NI NOEL ABUEL) IPINAAARESTO ng isang senador ang mga Chinese nationals na sakay ng isang Chinese dredging vessel na nakadaong sa karagatan sakop ng bayan ng Lobo, Batangas. Paliwanag ni Senador Risa Hontiveros, kailangang beripikahin ng mga awtoridad kung may sapat na clearances at permit ang mga Chinese nationals na tripulante ng 99-meter long, 17-meter wide Chinese dredging vessel. “I call on our authorities to investigate this matter and ascertain for sure if the crew of the Chinese dredging vessel has all the necessary documents, permits and clearances from our…
Read MoreMAY BANTA O WALA, TULOY ANG AKTIBIDAD NI DU30
(NI BETH JULIAN) WALANG nakikitang pangangailangan ang Malacanang para limitahan ang mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa labas ng Palasyo. Sa kabila ito ng pagsisiwalat ng Pangulo na may nagbabanta sa kanyang buhay. Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, sa pagkakakilala niya sa Pangulong Duterte ay wala itong takot mamatay. Sa katunayan noong Miyerkoles ay may aktbidad ang Pangulo sa Puerto Prinsesa City, Palawan, para sa 31st Annual Convention of the Prosecutor’s League of the Philippines. Ayon pa kay Panelo, may pagkakataon pa nga na tumakas ang Pangulo…
Read MoreWALANG DEATH THREAT SA PANGULONG DUTERTE – PNP
(NI NICK ECHEVARRIA) NILINAW ng Philippine National Police (PNP) na walang banta sa seguridad ni Pangulong Rodrigo Duterte. Binigyang-diin ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac na wala silang natatanggap na anumang “death threat” sa buhay ng Pangulo. Gayunman sinabi ni Banac na bilang pinakamataas na opisyal ng bansa tungkulin ng PNP na tiyakin ang kaligtasan ng Pangulo sa tuwing nagsasalita at bumibisita ito sa harap ng maraming tao bukod pa sa ibinibigay na mahigpit na security ng mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) na siyang pangunahing ahensiya na nangangalaga sa…
Read MoreJUAN MIGUEL NAG-SORRY SA PAG-ABANDONA KAY JANELLA
SUMIKAT si Juan Miguel Salvador simula noong 80s bilang member at lead singer ng Rage Band. Apo siya ni Lou Salvador, Sr. na si Pedro Salvador. Anak naman niya ang singer-actress na si Janella Salvador kay Jenine Desiderio, na singer-actress din. Nagkahiwalay ang mga mga magulang ni Janella noong siya ay 4 years old pa lamang. At noong September 2018 lang, bumalik na sa poder ni Jenine ang anak na si Janella, matapos nitong humiwalay sa ina matapos ang hindi nila pagkakasunduan. Kamakailan lang, naging special guest si Janella sa…
Read MoreTERORISMO
Ang karahasan ay natural sa tao. Ngunit sa libu-libong taon na pananatili ng sibilisasyon sa sanglibutan ay nalinang ang mas mga makataong sistema at kultura na sagana sa pang-unawa sa kondisyon ng sangkatauhan, na binibigkis ng katwiran at ng mas mataas na katotohanan. Hanggang naging “obsolete” ang karahasan sa lohika ng sibilisasyon. Ngunit pumupuslit-pulist pa rin ang nakakasulasok na wangis ng karahasan sa ating gitna. Terorismo ang bagong ngalan nito. Walang pinipili, babae man o bata, matanda man o may sakit. Ito nga ang bagong “virus” ng sanglibutan. Bago ang…
Read More