(Ni JOMAR OPERARIO) Ipinagmalaki ng Customs NAIA sa pangunguna ni District Collector Mimel Talusan kasama ng kanyang mga opisyal ang kanilang accomplishments matapos nilang maabot ang record-breaking statistics sa border protection bilang suporta nila sa isinusulong na repormang programa ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero. Ang Customs NAIA base sa tala, ay nakakumpiska ng 4,496 kgs ng karne at karneng produkto na walang permit dahilan upang mapigilan ang pagpasok ng African Swine Fever (ASF) outbreak sa bansa. Nasabat din ng Customs NAIA ang 3,084 live species mula sa illegal importation, exportation…
Read MoreMonth: August 2019
PAGGALANG SA BATAS AT DIYOS, AT ANG MGA TAONG PASAWAY
Para sa mga taong may paggalang sa umiiral na batas at Diyos na walang ginagawang masama, wala akong nakitang masama kung mayroon mang presensya ng militar sa kanilang lugar. Dahil kapag mayroon ngang kaguluhan sino ba ang ating tinatakbuhan? Di ba ang mga awtoridad naman? Bakit kaya may mga taong ayaw ng presensya? Gaya na lamang ng ilang mga guro at ilang estudyante sa state universities na galit na galit sa plano ng gobyerno na maglagay ng military detachment malapit dito upang masansala naman ang mga taong may masamang balak…
Read MoreBAWAL ANG PLASTIK!
(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL sa masamang epekto sa kalikasan, nais ng isang bagitong mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipagbawal na ang paggamit ng mga plastic bottle sa Batasan Pambansa Complex. Sa House Resolution (HR) 261 na iniakda ni OFW Family party-list Rep. Bobby Pacquiao, dapat manguna ang mga mambabatas sa kampanya na huwag nang gumamit ng mga plastic bottle na nakakasira sa kalikasan. Si Rep. Pacquiao at kapatid ni Pambansang Kamao at Sen. Manny Pacquiao na tulad ng senador ay isang boksingero bago pinasok ang mundo ng pulitika.…
Read MoreUSAPANG UNCLOS, EEZ, ECS AT HOUSE BILL 5487
Kamakailan ay naging isyu ang mga pagpasok nang walang paalam sa karagatan ng Pilipinas ng mga barko ng China kabilang na ang mga pang-komersyal at pangmilitar. Walang kapasidad ang ating Sandatahang Lakas na i-monitor ang mga sinasabing “maritime incursions” ng Chinese vessels sa ating karagatan at nagdedepende na lang ang Department of National Defense (DND) sa mga impormasyong nanggaling sa “independent sources” na may access sa satellite photos. Isa na rito ang blogger US Naval War College na si Ryan Martinson na may access umano sa satellite photos mula sa…
Read MoreANG PANANAMPALATAYA
Ang daigdig ay isinagawa at nilikha ng Diyos sa pamamagitan ng salita at pananampalataya. Ito ay ebidensya ng bagay na hindi nakikita. Ang mga tao ay may iba’t ibang pananampalataya, iba’t ibang relihiyon. Ang bawat isa ay naninindigan na ang kanyang relihiyon ay ang siyang totoo. Sa mga Kristiyano pa lamang ay hindi mo na mabilang ang mga sekta o mga relihiyong pumapaimbulog sa buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. Ito nga, magpapasko na naman at ating inaalala at ipinagbubunyi ang kanyang paglakad sa daigdig mahigit dalawang libong…
Read MoreBONG PUMALAG SA BALAK NA PAGLAHOK NI DE LIMA SA SENATE SESSION
(NI DANG SAMSON-GARCIA) TINAWAG na double standard ni Senador Bong Revilla ang resolusyon nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na nagsusulong na payagan si Senador Leila de Lima na makalahok sa sesyon sa pamamagitan ng teleconferencing mula sa Kampo Crame. “The double standards and sense of entitlement of some people are frankly quite disheartening,” saad ni Revilla. Iginiit ng senador na noong siya ay nakulong dahil sa tinawag nitong politically motivated charges, ilang grupo ang nag-iingay upang hindi siya makasali sa Senate proceedings na kinabibilangan anya…
Read MoreDRILON SA DOLE: TRUST FUND NG OFW, ‘WAG PAG-INTERESAN
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NANGAKO si Senate Minority Leader Franklin Drilon na haharangin ang anumang pagtatangkang gamitin sa katiwalian ang P19 billion Overseas Filipino workers’ trust fund. Sa pagdinig ng Senate Committee on Labor and Employment kaugnay sa panukalang pagbuo ng Department of Overseas Filipino Workers, nagtataka si Drilon kung bakit nagpalit ng posisyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa panukala. Ipinaalala ni Drilon na noong 17th Congress, tutol ang DOLE sa pagtatag ng hiwalay na Department of OFWs. “Does the plan to create a separate Department of Overseas…
Read MoreDAYUHAN NA MAGNENEGOSYO SA BANSA LULUWAGAN
(NI ABBY MENDOZA) APRUBADO na sa joint committee hearing ng House Committees on Economic Affairs at Trade and Industry ang House Bill 300 na aamyenda sa RA 7042 o Foreign Investment Act (FIA) of 1991. Sa ilalim ng panukala ay niluluwagan ang mga restrictions sa pamumuhunan ng mga dayuhan sa Pilipinas. Sa oras na maisabatas ay ibababa sa 15 mula sa 50 ang minimum employment requirement ng direct local hires sa mga small at medium domestic enterprises na itinatag ng mga foreign investors gayundin ay maari nang makapagbukas ng negosyo…
Read More6 LALAWIGAN NASA SIGNAL NO. 2, SA BAGYONG ‘JENNY’
(NI ABBY MENDOZA) NAPANATILI ng bagyong ‘Jenny’ ang taglay nitong lakas habang papalapit sa Aurora Province kung saan inaasahan itong magla-landfall. Anim na lugar sa Luzon ang nasa ilalim ng Storm Signal No 2 habang 23 ang nasa ilalim ng storm signal No 2. Nasa ilalim ng Signal no 2 ang Isabela, Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao at Mountain Province. Habang Signal No 1 naman ang umiiral sa Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal,…
Read More