(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL maraming guro sa bansa ang naglalabas ng sariling pera para sa kanyang teaching materials, nais ng isang mambabatas sa Kamara na itigil na ito at sa halip ay bigyan na lamang ng tig-P10,000 ang mga ito lalo na’t hindi kalakihan ang kanilang suweldo. Ito ang nakapaloob sa House Bill Bill 3449 o “Teaching Supplies Allowance Act” na iniakda ni Deputy Speaker Vilma Santos-Recto ng Batangas upang hindi na mabawasan ang suweldo ng may 840,000 public school teachers sa buong bansa. “Aside from spending for their personal and…
Read MoreMonth: August 2019
TEENAGE PREGNANCY, LULUNASAN SA SENADO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Risa Hontiveros ang panukala upang maiwasan ang teenage pregnancy upang masolusyunan ang dumaraming batang ina na maituturing anyang national social emergency. “Para maiwasan ang pagdami ng mga batang ina, pang-unawa, edukasyon at tulong medikal ang kailangan, hindi ang pananakot o pangungutya,” saad ni Hontiveros. Sa tala, nasa 15% hanggang 18% ng teenage girls sa Davao, Northern Mindanao at Socckscsargen ay maagang nagbubuntis. Naniniwala ang senador na ang solusyon ay dapat sa pamamagitan ng batas na nakapokus sa mga dahilan ng teenage pregnancy tulad ng…
Read More2020 NAT’L BUDGET ‘DI DAPAT MA-DELAY; MAHIHIRAP APEKTADO
(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG plano ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na idelay ang pagpapatibay sa 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion dahil mahalaga ito para maiangat ang mga pobre sa kahirapan. Ito ang kapwa iginiit nina House majority leader Ferdinand Romualdez at House deputy speaker Raneo Abu, nitong Linggo, kaugnay ng 2020 national budget na simulang busisiin noong nakaraang linggo. “We, in Congress, support the initiatives of the Duterte administration to empower the poor through increased subsidies and grants aimed at ending the intergenerational cycle of…
Read MoreSSS NANAWAGAN SA HIGIT 100-K TIWALING EMPLOYERS
(NI BETH JULIAN) MULING nanawagan ang pamunuan ng Social Security System (SSS) sa mahigit 100,000 employers na samantalahin ang Contribution Penalty Condination Program. Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, hanggang September 6 na lamang ang deadline ng pagkuha ng condonation program. Napag-alaman sa ilalim ng programa, ang hindi nagbayad na mga employer para sa kanilang mga empleado ay hindi na sisingilin ng SSS ng penalty, sa halip ay pagbabayarin na lamang ng mga unpaid premiums. Pahayag ni Ignacio, hanggang July 2019, umabot na sa P795 milyon…
Read More‘INENG’ LUMABAS NA; BAGONG LPA NASA LUZON
(NI DAHLIA S. ANIN) NAKALABAS na sa Philippine Area of Reaponsibility (PAR) ang Bagyong Ineng na may International name na Bailu, pasado alas-6:00 ng gabi noong Sabado, ayon sa weather bureau Pagasa. Gayunman, patuloy na mararanasan ang maulap at maulang panahon sa Kanlurang bahagi ng Luzon dahil sa southwest monsoon o Hanging Habagat. Kabilang dito ang Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos, CAR, Zambales, Bataan, Metro Manila, Calabarzon at MIMAROPA, na makakaranas din ng thunderstorms. Huling namataan ang Bagyong Ineng, sa layong 500 kilometro Kanluran-HilagangKanluran ng Basco Batanes na patuloy…
Read MoreLADY EAGLES, LADY CHIEFS: COLLEGIATE CHAMPS, UMISKOR
(PHOTO BY MJ ROMERO) NAGTALA ang Ateneo de Manila University at Arellano University ng magkahiwalay na panalo, para manatiling walang talo sa Premier Volleyball League Season 3 Collegiate Conference kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Ikalawang sunod na panalo ang sinungkit ng reigning UAAP champions Lady Eagles, nang talunin sa straight sets ang San Sebastian College, 25-17, 25-17, 25-8 sa Group A. Muling nagpakitang-gilas si prized rookie Faith Nisperos, na may 15 points (11 attacks at four aces), habang si Ponggay Gaston, hindi nakalaro sa opening match…
Read MoreINSURANCE SA ROTC STUDENTS, IGINIIT
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Imee Marcos na magkaroon ng insurance sa mga estudyanteng papasok sa Reserved Officers Training Corps (ROTC). Ito ay sa gitna ng paniniwala ni Marcos na dapat manatili lamang na optional ang ROTC sa college level sa paggiit na hindi lamang sa pagiging sundalo naipamamalas ang pagmamahal sa bayan. “Para sa akin optional na lang kasi hindi naman pagiging sundalo lamang ang katibayan na mahal mo ang bansa. Pwede ka naman maging nurse, malaking bagay yun. Pagkatapos yung mga social worker ganun din,” saad ni…
Read MorePAGBABA NG PRESYO SA PALAY KINONTRA
(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINONTRA ni Senador Cynthia Villar ang pangamba na posibleng bumaba sa P7 kada kilo ang bilihan ng palay mula sa mga lokal na magsasaka sa gitna ng pagbaha ng imported na bigas kasunod ng implementasyon ng Rice Tariffication Law. “Paano naman babagsak ng P7, eh sa Vietnam P6 tataripahan ng P8 o P9…Paano naman babagsak eh pag bumagsak ang Vietnam rice P20 kada kilo. False info na yun,” saad ni Villar. Kasabay nito, kinumpirma ni Villar na sa unang anim na buwan ng taon, may koleksyon na ang Department…
Read MoreGORDON: RECORD NG MGA PRESO GAWING COMPUTERIZED
(NI DANG SAMSON-GARCIA) INIREKOMENDA ni Senador Richard Gordon na gawin nang digital ang record ng mga preso para matiyak ang tamang mga impormasyon sa panahon ng kanilang pananatili sa kulungan. Ito ay kasunod ng naging isyu sa posibleng pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez bunsod ng implementasyon ng Republic Act No. 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law. “There shall be full automation of prison records. It is important that their time served and their good conduct time allowance are properly documented and accounted. Wala dapat dayaan…
Read More