(NI HARVEY PEREZ) SINAMPAHAN ng kasong kidnapping with serious illegal detention sa Department of Justice (DOJ) si dating senator Antonio Trillanes IV, kasama ang tatlo pang indibidwal . Nabatid na ang reklamo ay isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group kay Trillanes, Fr. Albert Alejo, Atty. Jude Sabio, at isang ‘Sister Ling’, ng Convent of Cannussian Sisters, sa Makati City, at ilang iba pa matapos ireklamo ng isang Guillermina Lalic Barrido. Walang piyansa sa naturang kaso. Sa affidavit ni Barrido, sinabi nito na nakatanggap siya ng plane ticket mula kay Alejo…
Read MoreMonth: August 2019
WELLMED BINABAYARAN NG PHILHEALTH KAHIT SUSPENDIDO
(NI LILY REYES) PATULOY na binabayaran ng Philippine Insurance Corporation (Philhealth) ang umano’y obligasyon sa kontrobersiyal na Wellmed Dialysis Center sa kabila ng maanomalyang paniningil ng mga ito gamit ang mga pekeng pirma ng mga pasyente. Sa panayam, tiniyak din ni Ex-General Ricardo ‘Dick’ Morales, bagong presidente ng Philippine Insurance Corporation (PhilHealth), na babayaran ang mga ospital na akredito ng Department of Health (DOH) gayundin ang pagpapatuloy ng operasyon ng government insurance agency. Ayon kay Morales, aabot sa P129 bilyon ang nakalaang pondo ng PhilHealth sa loob ng 10 taon kung saan mababayaran…
Read MoreVILLAR KINASTIGO; KALAKARAN SA NFA ‘DI ALAM
(NI BERNARD TAGUINOD) KINASTIGO ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas si Senador Cynthia Villar matapos pag-initan nito ang apat na milyong sako ng bigas na hindi umano inilalabas ng National Food Authority (NFA). Ayon sa mambabatas, inalisan ni Villar ng poder ang NFA bilang regulatory body at hindi na rin pinagbebenta ang mga ito ng bigas subalit ngayon ay nagtataka ang mga ito na walang magawa ang ahensya sa mataas na presyo pa rin ng bigas. “The very essence of the law is to get rid of NFA, as the…
Read More4 CHINESE NA PINALAYA, BABANTAYAN NG PNP
(NI JG TUMBADO) PATULOY pa rin babantayan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang aktibidad ng apat na Chinese national sa loob ng jail facility ng Bureau of Immigration (BI) sa kontrobersyal at kuwestyunable nilang pagkakalaya mula sa National Bilibid Prison dahil sa ilalim ng RA 10592 o mas kilala sa tawag na Good Conduct Time Allowance (GCTA). Ito ang pagtitiyak ni PNP Chief General Oscar Albayalde kaugnay sa pagkakalaya nina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che, at Wu Hing Sum, bigtime shabu traders na pawang convicted…
Read More2 PINOY SEAMAN PATAY SA GANG WAR SA MEXICO
(NI ROSE PULGAR) NASAWI ang dalawang Pinoy seafarers matapos madamay ang mga ito sa gang war sa isang bar sa Mexico nitong Martes. Pansamantalang hindi muna pinangalanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga biktima. Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Mexico, naganap ang insidente nitong Agosto 27 sa Port of Coatzacoalcos, Veracruz, Mexico. Base sa ulat ni Philippine Ambassador to Mexico Demetrio R. Tuazon sa DFA, nagkaroon umano ng riot sa pagitan ng magkaribal na gang. Dahil sa gang war ay nadamay ang dalawang Pinoy seafarers na naroon…
Read MoreRICE TRADERS GANANSIYA; MAGSASAKA PURDOY SA TARIFF LAW
(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong higit na nakinabang at yumayaman sa Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law ay walang iba kundi ang mga rice traders lalo na ang mga importers. Ito ang pahayag ni dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao matapos hindi tinupad ng mga rice importers ang pangako sa nasabing batas na bababa ng P7 ang bawat kilo ng bigas sa merkado. “Present prices are only around P2 per kilo lower compared to previous year’s prices or a measly quarter of the promised P7 per kilo decrease…
Read MoreGERALD ANDERSON ‘GHOSTING’ NA RIN KAY DENNIS PADILLA
SA panayam ni Boy Abunda sa kanyang television show na “Tonight With Boy Abunda” sa komedyanteng si Dennis Padilla, tatay ni Julia Barretto, natanong ang tungkol kay Gerald Anderson. Matatandaang nasangkot si Julia at pinagbintangang third party sa hiwalayang Gerald at Bea Alonzo. Inamin ni Dennis na sinubukan niyang makipag-communicate kay Gerald, pero “Parang nakaapat na text na ako dun [Gerald] eh. Hindi siya sumasagot, eh.” Mensahe niya sa aktor: “Dapat sagutin mo naman ‘yung text ko.” Pero bago ito, nakausap naman daw niya si Gerald. Pinaalala lang daw niya…
Read MoreBERDUGO VS NAGMAMALTRATO SA SENIORS LAGOT KAY POE
(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Grace Poe ang panukala na magbibigay proteksyon sa senior citizen laban sa anumag pag-abuso at pagpapabaya. Sa kanyang Senate Bill No. 946 o ang panukalang “Elder Victim Assistance Act”, iginiit ni Poe na dapat nang isabatas ang assistance program sa mga biktima ng elder abuse at training sa health at government professionals na mangagalaga sa mga ito. “Maswerte tayo kung kasama natin ang mga senior citizen sa ating bahay. Pero paano na ‘yung mga nag-iisa, ‘yung mga nakikitira o kaya naman ay walang kamag-anak.…
Read MoreLOUISE HANDA NANG PABUNTIS SA NON-SHOWBIZ BF
(NI REY PUMALOY) Kung si Louise delos Reyes ang tatanungin, mas gusto niyang ikasal bago siya mabuntis. Pero kung mauuna ang magkaroon siya ng baby sa ka-live in partner at boyfriend na non-showbiz guy, hindi ito magiging isyu. “Tutal doon din naman kami pupunta, so okey lang siguro,” sey niya. May ilang buwan nang nakikipag-live in si Louise sa kasintahang businessman sa isang condo kung saan kasama rin ng aktres ang dalawa pa niyang mga kaibigan. Handa na si Louise sa engagement proposal mula sa kanyang boyfriend. Nakikini-kinita na rin…
Read More