(NI DANG SAMSON-GARCIA) MULING uminit ang ulo ni Senador Cynthia Villar sa National Food Authority (NFA) sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture and Food kaugnay sa epekto ng Rice Tariffication sa mga lokal na magsasaka. Unang nagtaas ng boses ang senador nang mapadako ang usapin sa dami ng mga imported rice na nakaimbak sa warehouses ng NFA. Kinumpirma ni NFA Administrator Judy Carol Dansal na may apat na milyong bags pa ng imported na bigas ang nakaimbak sa kanilang warehouses. “Ang problema nyo dapat buy and sell. Kasama kayo…
Read MoreMonth: August 2019
MRT-3 NAGKABIT NG BAGONG AIRCON UNITS
(NI KEVIN COLLANTES) MAGANDANG balita sa mga commuters ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) dahil makaaasa na ng ‘mas chill’ o mas malamig na biyahe sa pagsakay sa mga tren ng naturang rail lines. Nabatid mula sa Department of Transportation (DOTr) na may mga bagong airconditioning unit na ang ikinakabit ngayon sa mga bagon ng mga tren ng MRT-3. Ayon sa DOTr, ang naturang 33 aircon units na pawang brand new, ay dumating sa bansa noong Agosto 3 hanggang 20. Unang batch pa lamang anila ito ng kabuuang 120 aircon…
Read MoreADOBO
Sarap sa iba’t ibang sangkap (Ni Ann Esternon) Sa mga putaheng Pinoy, hindi mawawala sa hapag ang adobo. Bahagi na ito ng kultura at ng ating kasaysayan, kaya ba’t ito’y tinaguriang “Philippines’ National Dish.” Noong araw ito ay niluluto sa palayok dahil ibang lasa rin ang hatid nito gamit pa ang tradisyunal na paraan ng pagluluto – ang kahoy bilang panggatong. Unang niluto ang adobo sa panahon pa ng pananakop sa atin ng mga Kastila. Ang paraan sa pagluluto ng putaheng ito ay naobserbahan ng mga Kastila at tinawag na…
Read MoreDUQUE: UNIVERSAL HEALTH CARE ‘DI MAIPATUTUPAD
(NI BERNARD TAGUINOD) DISMAYADO ang oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Department of Health (DOH) Secretary matapos sabihin sa mga mambabatas na hindi kayang ipatupad sa buong bansa ang Universal Health Care (UHC) sa susunod na taon. “For me that is irresponsible statement,” pahayag ni House minority leader Benny Abante sa press conference ng kanilang grupo nitong Miyerkoles, habang ginigisa naman sa House committee on appropriation kaugnay ng kanilang pondo sa 2020 na nagkakahalaga ng P88.72 Bullion. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos aminin ni Duque sa nasabing pagdinig…
Read MoreCHINA NAG-SORRY SA RECTO BANK INCIDENT, PINOY FISHERMEN
(NI CHRISTIAN DALE) KINUMPIRMA ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang paghingi ng paumanhin ng China sa mga Filipino na mangingisda na nasangkot sa Recto Bank incident. Ito’y makaraan ang halos tatlong buwan nang mangyari ang ‘hit and run’ sa Recto Bank o ang pagbangga at pag-abandona ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa bahagi ng Recto/Reed Bank. Nauna rito, sa ipinalabas Memorandum ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang Twitter account, makikita ang bahagi ng apology letter ng China para sa Pinoy fishermen. Ipinahayag ng China sa…
Read MoreGAANO KALAKI ANG PORK BARREL SA 2020 BUDGET?
Malaking tanong para sa taumbayan kung magkano ang pork barrel sa panukalang budget sa 2020. Ang pork barrel ay natukoy nang pangunahing porma ng korapsyon sa gobyerno, dahil nilalagay nito sa kamay ng mga kongresista at mga opisyal ng gobyerno ang kapangyarihan kung saan at kung sino ang paglalaanan ng pera ng taumbayan. Hindi na tanong sa kasalukuyan kung mayroong pork barrel sa budget, kundi kung gaano na kalaki ito. Maaalala ang galit ng mamamayan sa malakihang pagnanakaw sa kaban ng bansa sa pamamagitang ng Priority Development Assistance Program, na…
Read MoreSHARON PAHINGA MUNA SA SHOWBIZ PARA KAY FRANKIE
(NI RK VILLACORTA) ON vacation leave muna si Megastar Sharon Cuneta from work. Kaya nga sa pagbabalik ng reality show na “The Voice Kids” kung saan sa last season ay isa siya sa mga mentors kasama sina Lea Salonga, Bamboo at Sarah Geronimo, mas nanaisin ni Mega na magpahinga muna from her duties and responsibilities as a showbiz personality to focus on her role as a mom. Yes, nasa US of A ngayon si Sharon kasama ang mister na si Sen. Kiko Pangilinan, Miel, Miguel, KC at Frankie na sa…
Read MoreNASA KAMAY NG RTC ANG DESISYON SA VIDEOCONFERENCING NI SEN. DE LIMA
Nitong nakaraang Lunes ay naghain ng resolusyon sina Minority Leader Franklin Drilon at Senador Panfilo Lacson na magbibigay-daan sa partisipasyon sa mga deliberasyon ng Senado kay Senador Leila de Lima habang ito ay nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame. Teleconferencing ang pamamaraan ng partisipasyon ni De Lima sa mga sesyon sa Senado at hindi na ito imposible sa digital age kung saan maglalagay ng digital camera equipment sa loob ng PNP Custodial Center at sa tulong ng mga technician ay maaaring makita ang detenidong senador ng mga kapwa niya senador…
Read MoreANG TRAHEDYA NG OFWs
Inuwi kamakailan ang mga bangkay ng dalawa sa tatlong overseas Filipino workers na biktima ng serye ng mga pagpatay sa bansang Cyprus. Ang isang bangkay ay naiwan pa roon samantalang ang bangkay ng isang anim-na-taong gulang na bata na pinatay kasama ang kanyang ina ay dinala naman sa bansang Romania sa piling ng kanyang ama. Trahedya para sa Pilipinas ang ganitong mga pangyayari, nang dahil lamang sa kagustuhang maiangat ang pamilya sa paghihirap ay pikit-matang nangarap na makasumpong ng pagkakakitaan sa ibayong dagat. Tinatantiyang nasa 10 milyon ang overseas Filipino…
Read More