NAPAPAKAMOT ka rin ba ng ulo kapag nakakakita ka ng empleyadong natutulog lang sa oras ng trabaho? May sagot na d’yan ang Japan, salamat sa bagong sistema na makaka-detect ng mga natutulog at saka bubugahan ang mga ito ng malamig na hangin. Sinabi ng air conditioning manufacturer Daikin at electronics giant NEC na sinimulan na nila ang trial ng bagong system kung saan nagmu-monitor ito ng galaw ng mga pilik-mata ng mga empleyado gamit ang camera na nakakabit sa computer. Automatic na bababa ang temperature sa opisina sa oras na…
Read MoreMonth: December 2019
ANTAS NG TUBIG SA ANGAT DAM NADAGDAGAN NI ‘URSULA’
BAHAGYANG napataas ng bagyong Ursula ang antas ng tubig sa Angat Dam, ang pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila. Hanggang nitong Huwebes, ang antas ng tubig sa Angat Dam ay nasa 199.40 meters, mataas sa 198.70 meters sa nakalipas na dalawang araw. Gayunman, hindi pa rin sapat ang ibinuhos na ulan ni Ursula na dapat sana ay nasa 212 meters. Nauna nang inaasahan na makukuha ang normal na antas ng tubig sa Angat Dam sa mga darating na pag-ulan upang makatulong sa panahon ng tag-init sa Marso. Subalit, sinabi…
Read More5 TSAA NA TATAPAT SA ‘YONG MOOD SWINGS
ANG tsaa ay isang low calorie na inumin, walang carbs, protein o fat kaya naman perfect na perfect ito para sa mga nagbabawas ng timbang. Mayroon pa itong antioxidants na nagpapabilis sa metabolism at nagtutunaw ng taba. Ngunit alam ninyo ba na hindi lamang ito ang kayang gawin ng tsaa? Kaya rin nitong baguhin ang mood ng isang tao. Hindi lang pera ang nakakapagpasaya, tsaa rin! Subukan ang tisanes (herbal tea) na mayroong natural mood-boosting properties, kabilang na ang lemon verbena at rooibos. Tinatamad ka ba? Halina’t bumangon ka na…
Read MoreTIPS PARA TUMAAS ANG GRADES MO, BATA!
MALAKING parte sa ating kabataan ang pag-aaral. At bilang isang estudyante ay kailangan nating mag-aral nang mabuti para tumaas ang ating grades, ma¬ging scholar at mahilera sa mga honor student. Hindi lang ito para sa ating sarili kundi konsuwelo na rin sa ¬ating mga magulang na nagtutustos ng ating tuition at baon. Ano ba ang dapat nating gawin para tumaas ang marka natin sa report card o GWA (Gene-ral Weighted Average)? Unang-una siyempre, dapat ay always present. ‘Wag mag-i-skip o cutting classes. Iwasang mag-short cut o pumasok nang late. COMPLY.…
Read More10 MOST COMMON NEW YEAR’S RESOLUTIONS
PARA sa ‘Spirit of Christmas’ ay tatalakayin po muna natin ang gusto nating mabago para sa ating mga sarili pagpasok ng Bagong Taong 2020. Batay po sa pag-aaral ng mga eksperto, mayroon pong ‘10 most common New Year’s Resolutions’ na gustong gawin ng bawat tao. Ang mga ito ay kinabibilangan ng 1) Exercise more, 2) Lose weight, 3) Get organized, 4) Learn a new skill or hobby, 5) Live life to the fullest, 6) Save more money/spend less money, 7) Quit smoking, 8) Spend more time with family and friends,…
Read MorePOLITICAL CAPITAL
ITO ay para sa mga opisyal ng pamahalaan, upang magamit nang wasto at malubos ng mga mamamayan ang political capital ng mga nakapwesto para sa iba’t ibang posisyon. Gamitin ang political capital upang maalis ang kagutuman sa lipunan. Nasa 50 milyon na mga Filipino ang nakararanas ng matinding kagutuman o sumasablay sa pagkain ng tatlong beses sa isang araw. Gamitin ang political capital sa pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa. Nasa 35 milyon na mga Filipino ang hindi sumasahod nang sapat. Nararapat na itaas ang minimum wage sa buong bansa, ito ang isa sa…
Read MoreBIKTIMA NG PAPUTOK NASA 19 NA — DOH
NAITALA ng Department of Health (DOH) ang 19 biktima ng paputok, ilang araw bago matapos ang 2019. Kabilang sa mga naitalang biktima ang mula sa Region 1, 2, CALABARZON, MIMAROPA, 5, 6, 7, 11, 12, at National Capital Region. Tinataya sa edad na 4 hanggang 60 ang mga biktima na pawang mga kalalakihan. Kabilang sa mga biktima ay gumamit ng Boga, Luces, 5-star, Baby Rocket, Bamboo Canon, Fountain, Kalburo, Kwitis, Mini Bomb, Piccolo, Whistle Bomb. Labing-isang biktima ang nagtamo ng sunog sa katawan, pito ay may eye injury at isa…
Read MoreCAPIZ NIYANIG NG 4.8 LINDOL
NIYANIG ng magnitude-4.8 earthquake ang Capiz, Huwebes ng gabi, ayon sa Phivolcs. Bandang alas-8:19 ng gabi nang maramdaman ang pagyanig sa tinatayang 7 kilometers southwest ng San Enrique town na may lalim na 14 km. Sinabi ni Phivolcs science researcher Benz Rodriguez na dahil mababaw lamang ang epicenter ng lindol kung kaya’t ramdam na ramdam ito ng mga residente. Kabilang sa mga nayanig na lugar ang: Intensity IV – Tapaz, Capiz; Passi City at Dingle, Iloilo Intensity III – Iloilo City; La Carlota City, Negros Occidental; Bacolod City Intensity II…
Read MoreTOP TEN FILIPINO FILMS OF 2019
(NI BEN BAÑARES) PATAPOS na ang taon kaya naglalabasan na ang mga “best of” lists. At hindi lang best of 2019 – pati best of the 2010s decade dahil patapos na rin ang dekada. ‘Yung list na prinesent natin sa last column ko, that was the Top 10 of all time – kahit ang lahat ng pumasok ay galing sa papatapos na dekada. This time, we’ll concentrate on 2019. Ito po ang biggest movies of the year. Galing ang list sa Facebook post ni katotong Mell T. Navarro who got…
Read More