Excited na ako sa pagsisimula ng shooting ng life story ni Mother Lily . Bongga din na si Judy Ann Santos ang gaganap sa role niya dahil halos lumaki na si Juday sa bakuran ng Regal Films. Exciting ang buhay ni Mother Lily at talaga naman icon siya at karapat-dapat na gawin pelikula ang lifestory niya noh. At isa pang exciting iyon dami ng mga star na gugustuhin talaga na makita sa gagawin pelikula. Name the star, any star, at sure ako nagkaroon siya ng bahagi sa buhay ni Mother…
Read MoreDay: January 25, 2020
MENSAHE NI PDU30 SA CHINESE NEW YEAR: MAS MATIBAY NA RELASYON SA CHINA
IPINAABOT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang ‘warmest greetings and best wishes’ para sa mga Tsinoy na nagdiriwang ngayon ng kanilang Chinese New Year. Sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Duterte na ang katotohanan na niyakap na rin ng mga Filipino ang Chinese New Year celebration at taunang nagdiriwang na rin nito ay nagpapakita lamang ng malakas at hindi mapaghiwalay na magandang pagkakaibigan at beneficial relations ng Pilipinas at China. Umaasa rin ang Chief Executive na sa pagbubukas ng bagong pahina ng mga Filipino at Chinese…
Read MorePINAS NO. 1 ANTI-VACCINE COUNTRY SA MUNDO
BUMAGSAK na sa 30% ang tiwala ng mga Filipino sa bakuna simula noong 2018 kumpara sa mataas na 93% noong 2015, dahilan upang ang Pilipinas ang siyang nangunguna ngayong anti-vaccine country sa buong mundo. Ang kawalan ng tiwala sa bakuna ay naging dahilan din upang magbalikan ang mga sakit na dati nang nalunasan at pagkalat ng iba pang karamdaman. Ito ang inihayag ni Dr. Lulu Bravo, Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination, na nagsabing nakalulungkot na ang Pilipinas ay nangunguna ng anti-vaccine country sa buong mundo. Ayon pa kay…
Read MorePDUTERTE KINALAMPAG SA PALPAK NA MRT
NANAWAGAN kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mananakay ng Metro Rail Transit (MRT) na pagtuunan ang pagpapabuti sa serbisyo ng nasabing transportasyon. Daing ng mga commuter, dapat siyasatin ng Pangulo ang mga nangangasiwa sa MRT upang masiguro na mas magiging epektibo ito at mabawasan kundi man tuluyang mawala ang mga aberyang kakambal na ng operasyon nito. Sa tindi ng trapiko sa Metro Manila ay ang mga commuter ang pangunahing napiperhuwisyo kapag nagkakaaberya ang opersayon ng MRT na siyang inaasahan dapat ng publiko sa maalwang sistema ng transportasyon. Subalit, maikling panahon…
Read More7 KOMUNIDAD SA MM TUMANGGAP NG ECOBRICKS MULA SA GLOBE PLASTIC XCHANGE PROGRAM
MAKARAANG lumahok sa Globe Plastic Xchange Program noong nakaraang taon, pitong komunidad sa Metro Manila ang pinagkalooban ng ecobricks na maaari na nila ngayong magamit para sa iba’t ibang construction projects. Ang nasabing mga komunidad ay kinabibilangan ng Barangay Magallanes sa Makati, Andres Bonifacio Integrated School sa Mandaluyong, Barangay 455 sa Manila, Barangays Palatiw at San Antonio sa Pasig, at Barangays Signal Village at Upper Bicutan sa Taguig. “We are glad to be part of Globe’s Plastic Xchange Program. Not only did it help us reduce our single plastic waste…
Read More